top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya siya na raw ang nag-swab test sa sarili… ROBIN: 'DI AKO PA-BABY AT PALA-ASA

  • BULGAR
  • May 27, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 27, 2021




Sumagot si Robin Padilla sa mga bashers niya na binatikos siya sa kanyang pag-swab sa sarili kamakailan.


Matatandaang recently ay nag-post ng video si Binoe kung saan ay makikitang siya na ang nag-swab sa sarili matapos mainip sa nurse na hindi pa dumarating.


Inulan ng bashing si Binoe dahil dito at sinabing hindi raw recommended sa mga hindi health professionals ang mag-swab dahil maaaring magkamali at hindi maging accurate ang resulta.

Sa kanyang Instagram post kahapon ay sumagot si Binoe sa mga bashers at ipinaliwanag na alam niyang mag-swab sa sarili.


“Kung hindi mo po kayang gawin mag-isa, 'wag mo pong gawin, walang pumipilit po sa inyo. Gawain po ito ng mga sanay na sa testing at magbanat ng mga buto, lalo kapag kailangang makisalamuha sa mga katrabaho lalung-lalo sa gitna ng karagatan,” simula ni Binoe.


Hindi raw siya pa-baby at hindi pala-asa.


“Tanggapin n'yo man po o hindi, sadyang may mga taong katulad namin na hindi pa-baby, hindi aasa na lang sa magaganap! Ang lahat ng paraan ay gagawin ng isang mandaragat para makapagpatuloy na makapaglayag,” aniya.


Dagdag pa niya ay 3x a week daw siya magpa-swab test kaya natuto na rin siya.


“Kung merong nurse o doktora, aba'y napakaganda pati sa tanawin, pero kung wala at sanay ka ng katulad po namin dahil sa isang linggo ay 3 beses po namin ginagawa ang swab test, eh, MANHID na lang ang butas ng ilong ng taong hindi po matuto,” pangangatwiran ni Binoe.


Sa huli ay nangaral ang action star sa mga kababayan na huwag masyadong pa-cute.


“Kaya hindi tayo umaasenso, mga kabayani. Malakas ang loob natin sa katarantaduhan at kawalanghiyaan pero kapag sa kapakanan ng sarili at ng mga kasama sa paligid mo, ang dami nating NGAWNGAW kesa sa gawa. Konting balls lang naman po ang kailangan, mga 'TOL. 2 taon na po ang COVID, kung wala ka pa ring natutunan lalo ang mag-test sa sarili mo kung walang available na health frontliner sa lugar mo, aba'y masyado ka nang nagpa-cute,” mensahe ni Binoe.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page