Kaya sa Tate pa nagpaturok… SHARON, WALANG TIWALA SA VACCINE SA 'PINAS
- BULGAR
- May 20, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 20, 2021

Kaya naman pala biglaan ang paglipad ni Megastar Sharon Cuneta papuntang Tate dahil naka-schedule siya para sa kanyang first dose vaccination ng COVID-19 vaccine.
Tama ang espekulasyon ng mga netizens na sa Amerika magpapabakuna ang beteranang singer.
May post si Shawie sa kanyang Instagram account kung saan siya ay nasa akto nang iiniksiyunan.
Caption ni Megastar: “I’m getting my first shot of Moderna vaccine.”
Dagdag pa ng singer-actress, “I’m happy to be getting this vaccine so I’m excited. I just wish my kids could get it too soon.”
After na maturukan ang Megastar, sinabi niyang, “It wasn’t bad at all. I’m done. Thank you, Lord, vaccinated.”
Siyempre pa, may komento ang mga netizens sa first vaccination ni Shawie.
“May selfie pa talaga si Mamsh. Sana, ipinost na din n'ya vaccination card.”
“Ito pala totoong reason why siya umalis.”
“Ang dami namang gumagawa niyan. Nanay ko nga, parang siya na yata ang magpo-promote ng vaccine sa dami ng pictures nu'ng nagpabakuna eh, lol.”
“Legal, illegal alien or tourist... as long as you’re 12 and above you will get a vaccine shot if you wanted to. The questions they’re going to ask are all about your health... welcome to America!”
Ang layo raw ng dahilan ni Shawie nang sabihin niyang magre-recharge siya kaya biglang umalis.
“The point is she misled everyone by saying she was going away to recharge.”
“What's misleading about it? She may really be there to recharge and get vaccinated while there, too.”
May nagsasabi namang kaya sa Tate nagpabakuna ang Megastar ay dahil…“Walang tiwala sa vaccines sa 'Pinas!”





Comments