Kaya raw sila tumagal ni Shaina… "DAPAT PALA GANU'N, WALANG COMMITMENT" — PIOLO
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 21, 2023

Ang fresh ni Piolo Pascual nang humarap sa ilang media at TV reporters para sa sold-out concert na An Ultimate Night with Piolo na ginanap sa KAO Manila Newport World Resorts nu'ng Huwebes nang hapon.
Kaya ang biro sa kanya ay parang hindi naman siya busy at pagod tulad ng sinasabi niyang segue-segue siya sa shoot ng ibang projects niya tulad ng Moro, GomBurZa at Mallari bukod pa sa rehearsals in between ng mga shows niya.
Dahil ba sa pagiging busy niya kaya nawala na sa isip niya na magkaroon ng love life at mag-settle down?
Pabirong sabi ng aktor, “I guess, in time. Siguro, 'pag tuli na 'ko. Joke lang! Kapag malaki na po ako. Now kasi, bata pa 'ko, eh.
“Most promising ako, 'di ba, sa showbiz? 'Pag nag-settle na 'ko. Ang dami ko kasing labada, eh. Wala pa talaga 'kong time para diyan.
“There's always a time for it, but for now, at my age, I'm not in any rush. I have a 26-year-old kid and I have this beautiful platform that I can practice my passion.”
Pero naniniwala naman ang Ultimate Heartthrob na darating ang araw na mag-aasawa siya kapag nakita na niya ang ‘The One.’
“And if it comes when it comes, you know, I hope I'm ready. I hope she's ready and I hope the whole world is ready,” saad ni Papa P.
Pero inamin ng aktor na bukod sa pamilya niya na inspirasyon niya ay kasama rin dito ang aktres na si Shaina Magdayao, at may TV series pala ang dalawa.
“Magkasama po kami sa soap, tingnan natin kung ano ang mangyayari ‘coz there’s pressure in the family, society. She’s been friends with my family. She's always there during celebrations. Let’s see. I’m not dating anyway, so what you see is what really how we are, so, hope she’s not dating, too!” indirect na pag-amin ng aktor.
Nabanggit na tila si Shaina ang pinakamatagal na na-link sa kanya, “Oo, matagal, 'no?
Dapat pala ganu’n, walang commitment, hahaha, para tumagal, walang pressure at wala pa rin naman siya (boyfriend).”
Grabe ang hagikgik ni Piolo kapag si Shaina ang pinag-uusapan kaya malalamang may something sila ng aktres at abangan ang susunod na kabanata.
Samantala, napangiti si Piolo at walang binanggit na figures nang tanungin siya pagdating sa talent fee niya sa Mallari: The Movie na entry ng Mentorque Productions at Clever Mind, Inc. ngayong 2023 Metro Manila Film Festival dahil siya raw ang may hawak ng record ngayon bilang highest-paid actor sa Philippine showbiz.
“Huwag lang ako habulin ng BIR (Bureau of Internal Revenue), kasi nu’ng sinabi nilang tatlong karakter ay hindi naman puwedeng ganito lang (talent fee ko). Hindi ko naman alam kung magkano ang talent fee ng iba pero binigyan namin sila ng talent fee na sana, humindi, eh, umoo, naku, napasubo tayo. Sa talent fee na sana aayawan, eh, mayaman si Sir Bryan (Dy),” masayang sabi ni Papa P.
Kaya pala hindi tumawad, sabi ng producer, ay dahil alam niyang mahirap ang ipagagawa nila kay Piolo at sa tingin niya ay baka nga kulang pa dahil sa hirap.
Gagampanan ni Piolo ang karakter na Fr. Juan Severino Mallari, the Philippines’ first-ever documented serial killer, in his debut horror film.
Mallari is a partly fictional, partly true-to-life account inspired by the true story of Fr. Juan Severino Mallari, a parish priest in the 1800s who killed 57 people before being caught, thereby becoming the first and only recorded Filipino serial killer ever, antedating Jack The Ripper by more than 60 years.
Kasama rin sina JC Santos, Janella Salvador, Elisse Joson and Gloria Diaz with the special participation of Mylene Dizon.





Comments