Kaya raw pala nabato ng mic ni Janno, ang nega… KITKAT, NAG-WISH NA MAGKA-COVID ANG BASHER NIYA,
- BULGAR
- Apr 24, 2021
- 2 min read
DUROG SA MGA NETIZENS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 24, 2021

Pinutakti ng mga bashers ang komedyanang si Kitkat dahil sa kanyang insensitibong sagot sa isang netizen na nag-comment lang naman sa kanyang post ng lechon sa kanyang Instagram account.
Comment ng netizen sa ipinost na lechon ni Kitkat, “Sana, tinikman muna before you say it’s yummy.”
Sagot ni Kitkat na defensive agad ang dating, “Lungkot naman ng buhay mo, pati pagkain ng iba, inaabala mo, stressed ka? Naku, masama 'yan, baka magka-COVID ka, pati buhay at pagkain ng iba, pinapakialaman mo, hahaha… gudlak sa COVID, mga ganyan pinupuntahan n'yan.”
Hindi nagustuhan ng mga netizens ang sinabi ni Kitkat na tipong wini-wish daw na magka-COVID ang commenter niya.
Nag-reply din ang netizen na nag-comment kay Kitkat at sabi nito, “That’s very classy of you to wish me COVID. I’m a fan who buys products that celebrities endorse/advertise/show. I am seriously disappointed 'di mo tinikman because I will base my purchase on that.”
Sabi pa ng netizen kay Kitkat, “Huwag ka na lang mag-endorse kung pikon ka.”
Ang komento ng mga netizens sa diskusyon ni Kitkat at ng nag-comment…
“Tacky and wishing ill to others... wow!”
“True! Kaya sa kanila ni Janno, madami ring nagsasabi siya ang mas sablay. May issues 'to si ate.”
“Sino ba 'yang babaeng 'yan at napakanega? Kadiri ka, kung sino ka mang Kitkat ka!”
“Napuna ka lang, sana magka-COVID na agad? 'Di biro ang COVID, 'teh? Wow! Ugali naman talaga.”
“Well, it's Kitkat, so what do you expect? Pa-victim lagi.”
“Pahiya si Kitkat. Napaka-insensitive talaga nitong chakang 'to.”
“No wonder napikon si Janno (Gibbs) sa kanya. May attitude rin naman pala ito si gurl.”
“Puwede naman niya sagutin nang maayos. Ba't kailangang ganu'n ang sagot? No wonder may nakaaway siya.”
“Kaya ka namumura ng kasama mo sa trabaho, eh.”
Ang isang netizen, sinabihan pang evil si Kitkat.
“Kapag may kaibigan or kakilala akong ganito mag-reply or mag-post sa FB, ina-unfriend ko kaagad kasi ang pangit ng utak. Really, sa ganyang comment, nagwi-wish ka sa iba na magkasakit? Kaya ka napapaaway, eh, kasi ang bibig at utak, ang dumi-dumi. I am not Janno, ha, or kapamilya man lang niya. But this girl is just evil.”





MAGA KAMAG ANAK SIGURO NI JANNO ANG MGA NAGKOMENTO.