Kaya raw masungit sa shooting… CRISTINE, NANDIRI SA NAKA-KISSING SCENE NA GIGIL NA GIGIL HUMALIK
- BULGAR

- May 5
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 5, 2026

Photo: Cristine Reyes - The Sexytime Podcast - YT
“Ayokong-ayoko na maging karelasyon ko kung sino man ‘yung katrabaho ko,” ang pahayag ng aktres na si Cristine Reyes nang mag-guest siya sa The Sexytime Podcast (TSP).
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa dating mister ni Cristine na si Ali Khatibi at sa mga naging katrabaho niya na nanligaw sa kanya.
Saad ni Cristine, “My ex-husband (Ali), honestly, ‘di ko s’ya nakita talaga na the guy for me.
“It was ano, alam mo ‘yung tayong girls, ‘pag may pagka-bad boy feels, naka-motorcycle, tapos fighter. S’yempre, na-impress ka, tapos Boracay, whatever, ganyan.”
Ibinahagi ni Cristine sa nasabing podcast na hindi siya nakikipagrelasyon sa katrabaho niya.
Saad ni Cristine, “Ayoko talaga. Ayokong-ayoko na maging karelasyon ko kung sino man ‘yung katrabaho ko.
“Gusto ko right after, kung gusto n’ya talaga ako, du’n n’ya ako ligawan.
“So, may proof sa akin kung seryoso ‘yung guy after ng show kung manliligaw pa rin.
“Eh, nanligaw pa rin s’ya, so naging kami like mga three years. Ayoko ng bino-boyfriend ‘yung katrabaho ko. For me, ang feeling ko, ang suwerte nila na ang easy for them na manligaw kasi magkikita talaga kayo, tapos wala, walang effort.”
Sey ng host na si Belle Daza, “‘Yung mga lalaki who work with her, talagang nililigawan s’ya.”
Hirit na tanong ni Belle, “They take your kissing scenes seriously?”
Saad ni Cristine, “Alam mo, sobrang masungit ako sa set kasi may mga ganyan, ‘di ba? So, naiinis talaga ako.
“S’yempre, may ibang kadiri, gigil na gigil na agad. Nararamdaman mo ‘yun.”
Naku, sino kaya sa mga nakatrabaho ni Cristine ang tinutukoy niya na gigil na gigil humalik?
TODO-SUPORTA ang ipinahayag ng actress-singer na si Tuesday Vargas para sa mga magsasaka sa Benguet matapos niyang magbahagi sa kanyang Facebook (FB) page ng larawan ng mga gulay na hindi nabibili.
Saad ni Tuesday, “Muli po akong kumakatok sa inyong mga puso. Kung meron po kayong puwesto sa palengke, canteen o community pantry, ang ating mga magsasaka sa Benguet ay kailangan ng inyong suporta.
“Tone-toneladang gulay ang ‘di mabenta sa taas ng gasolina kaya kung kaya natin na tulungan sila, mag-message na lang po kayo sa kanilang community leader na si Ms. Julie M. Bocalan para ma-coordinate nang maayos ang inyong order.
“Tumatanggap din po sila ng cash donations para sa mga pamilya ng magsasaka sa Norte dahil talagang hirap na sila.
“Sana po ay mahanap ninyo sa puso ninyong tumulong sa ating mga magsasaka na siyang gumagawa ng ating pagkain. Kailangan po nila tayo. Salamat po.”
Well, katuk-katok lang po sa mga nakaka-LL (luwag-luwag) diyan, kahit konting tulong para sa ating mga magsasaka.
SINIMULAN ni Majarlica ang bagong yugto ng kanyang musical journey bilang ganap na StarPop artist dala ang bagong single na Royalty.
Ang Canada-based artist na kilala sa tunay na buhay bilang Angelica Tagadtad ay isang media artist, filmmaker, at singer-songwriter mula sa Quezon City. Nagsimula siya sa industriya bilang health and safety intern kung saan nagkaroon siya ng karanasan sa pagdidirek, production, at screenwriting. Naging panelist din siya sa FILCAN Creative 2023 (Filipino-Canadian) at nanalo ng FILCAN Music Award bilang Solo Artist of the Year.
Pinasok niya rin ang pag-awit ng mga covers at pagsulat ng kanta bago siya tuluyang naging recording artist.
“If someone told me at 13 that I’d be writing songs not only for myself but for other exceptional artists, and sharing these stories with the world, I would’ve been surprised. From being a cover artist to a songwriter and now a recording artist—thank you, StarPop, for marking the start of this new chapter,” pagpapasalamat ni Majarlica.
Mula sa komposisyon at produksiyon ni Majarlica ang Royalty, na inihahalintulad ang katatagan ng pag-ibig sa paghahari ng isang hari at reyna.
Habang tinatapos ang pag-aaral niya sa University of Toronto, nakapagsulat din siya ng awitin para sa ibang artists tulad ng I, Save Me ni Belle Mariano, Self Love Era ni Kai Montinola, Reyna ni Michelle Marquez Dee (MMD), at marami pang iba. Naging opening act din siya para sa OPM artists gaya ng Parokya ni Edgar, Ben&Ben, at Itchyworms sa kanilang mga shows sa Canada.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments