Kaya raw magpapakasal uli… CHIZ, TAKOT NA MAAGAW NI ECHO SI HEART
ni Beth Gelena @Bulgary | February 6, 2024

Magre-renew ng wedding vows sina Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero ngayong Pebrero.
May ilang fans ni Heart ang nanukso ng… "Uyyy, may kinabahan..."
Ang tinutukoy nila ay si Sen. Chiz Escudero dahil matatandaang nagkita kamakailan sina Heart at Jericho Rosales, bukod sa single na uli ngayon si Echo.
Sabi pa ng isa, "Posibleng kinakabahan si Senador kaya may pa-second wedding vows, lol."
Pagkontra naman ng isa, "Kayong mga fans lang naman nina Echo and Heart ang wala sa hulog. Maghunos-dili kayo."
"Hahahaha! Sayang naman daw ang pagpapakilay niya kung 'di ma-flex."
"Kung kani-kanino n'yo inilalako si Echo. He’s still legally married. Ihanap n'yo ng single pagkatapos & medyo ka-age naman!"
"10th wedding anniv 'yan, celebration nila."
"In fernez naman kay Chiz, kay Heart, habang malakas pa ang parents ni Heart."
"Oh, sana maihatid na siya ng parents niya sa altar, OMG."
"Tama, this is for the couple and their parents."
"So happy for Chiz & Heart. Celebrating 10 years of love... Ang saya kasi kumpleto nang masasaksihan ng parents ni Heart ito!"





Comments