Kaya nakabili agad ng dream house… SANYA, 'DI CHOOSY, TODO-PATOL SA LAHAT!
- BULGAR

- Sep 11, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 11, 2020

Hindi nagsisisi ang Kapuso actress na si Sanya Lopez na naisakripisyo niya ang kanyang love life kapalit ng kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Talagang hindi nag-entertain ng mga manliligaw si Sanya at sa kanyang career siya nag-focus nang husto upang makapag-ipon para sa kanyang dream house.
Dahil sa kanyang sipag at determinasyon, ilang taon lang ay nabili na niya ang kanyang pinangarap na bahay. Dito na niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan.
Dati ay sa isang maliit na apartment sa Valenzuela, Bulacan nakatira si Sanya Lopez. Nang pumasok na siya sa showbiz ay naipangako niya sa kanyang sarili na mag-iipon nang husto upang mabili ang kanyang dream house.
Kinalimutan muna niya ang pagkakaroon ng love life at hindi naman niya ito pinagsisihan. Mas mai-inspire pa lalo siya upang magsikap sa kanyang career.
Sunud-sunod ang TV guestings ngayon ni Sanya Lopez sa mga shows ng GMA-7. Hindi siya choosy sa mga projects. Basta trabaho ay tanggap siya nang tanggap. Ngayon ay guests sila ni Thea Tolentino sa programang Mars Pa More.





Comments