top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Kaya naka-relate kina Kris at Joshua… PAO CHIEF ATTY. PERSIDA, UMAMING MAY PAMANGKING AUTISTIC

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 25, 2026



BULGARY - PAO CHIEF ATTY. PERSIDA, UMAMING MAY PAMANGKING AUTISTIC_FB Persida Acosta

Photo: FB Persida Acosta



Hindi dapat gawing katatawanan ang kalagayan ng mga taong may kapansanan. Ito ang mariing mensahe ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta matapos kumalat ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Machong Chismisan podcast hosts dahil sa umano’y pangungutya nila sa anak ni Kris Aquino na si Josh Aquino.


Sa paglulunsad ng kanyang bagong libro na Laws of Life sa Quezon City nitong Huwebes, Oktubre 22, ipinahayag ni Acosta ang pakikiisa niya kina Kris at Josh. Personal umano niyang nauunawaan ang pinagdaraanan ng mag-ina dahil mayroon din siyang pamangking may autism.


“May pamangkin din akong may syndrome ng autism. Anak ng ate ko. Feel na feel ko ‘yung nararamdaman ni Kris Aquino,” sey ni Acosta sa panayam sa kanya ng entertainment press.


Naging emosyonal ang PAO chief habang ibinabahagi ang kuwento ng kanyang pamilya at ang pagmamahal ng kanyang ate sa anak nito.


“Hanggang mamatay ang aking ate, kasama n’ya ang kanyang anak na ‘yun. Siguro, nasa Australia na rin ‘yun kasama ng mga ate n’ya pero dahil sa kondisyon n’ya ay nakasama namin dito. Alam ng Diyos. Siguro, binigyan tayo ng ganu’n para makasama natin habang tayo ay buhay. Nakakaiyak. Sabi ko, ‘di ako iiyak,” dagdag pa niya.


Binigyang-diin ni Acosta ang karapatan ng person with disability (PWDs) at hinimok ang publiko na maging maingat sa kanilang mga salita at kilos, lalo na sa social media.

“‘Wag naman ninyong iba-bash ang persons with disabilities dahil sila ay may karapatan,” diin niya.


Samantala, inanunsiyo ni Acosta ang paglalabas sa Disyembre ng English version ng kanyang aklat na Laws of Life: Life Lessons from the People’s Lawyer. Nauna nang inilabas ang Tagalog version noong Mayo.


Ayon kay Acosta, naglalaman ang libro ng mga paalala at aral sa buhay para sa kabataan, matatanda, mag-asawa at mga magkapareha upang magkaroon ng mapayapa at maligayang pagsasama.


Aniya, ang mga kasabihang nakapaloob dito ay nagmula sa kanyang mga legal information program at sa mga personal niyang payo sa mga kasamahan, kliyente at iba pang taong lumalapit sa kanya.


“They are not grand declarations, but gentle reminders. They are reflections on the laws of life, the values of compassion, humility, perseverance, and faith,” pahayag pa niya.

Nagtapos si Acosta bilang ikaapat na placer sa 1989 Bar Examinations at halos apat na dekada nang naglilingkod sa publiko.


Tungkol sa katarungan, moralidad at etika, ibinahagi niya sa libro ang kasabihang: “The wicked believe they have succeeded, but the day will come when everything will find its end.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page