Kaya nag-ober da bakod na sa GMA-7… RICHARD YAP, AYAW MAGING PABIGAT SA ABS-CBN

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 8, 2021

Todo-paliwanag sa media at madlang pipol ang bagong Kapuso star na si Richard Yap sa kanyang statement na kaya siya lumipat sa GMA-7 ay dahil ito ang "more stable" network sa ngayon.
Naging "nega" tuloy ang dating ni Richard sa mga dating nakasama sa ABS-CBN lalo na sa promo department ng network. Alam naman nating ang ABS-CBN ang nagpasikat kay Yap simula sa una niyang project sa Kapamilya na My Binondo Girl with Kim Chiu bilang si Papa Chen at lalo siyang kinagiliwan sa umaga-seryeng Be Careful With My Heart as Ser Chief with actress, Jodi Santamaria.
Naganap ang pagbitaw nito ng sensitibong pahayag noong idinaos ang presscon para sa kanyang contract signing as new Kapuso talent.
At dahil may mga nasaktan sa kanyang sinabi, sa bago niyang pahayag sa Pep Live, nilinaw nito na hindi niya ikinukumpara ang ABS-CBN at GMA-7 noong bitawan niya ang mga salitang 'yun. Nagkataon daw na noong panahong 'yun, meron siyang tatlong offers from different networks, (excluding ABS-CBN) dahil ito ang "the easiest choice" na kanyang sinabi sa kanyang PEPLive guest appearance last January 5, 2021.
Paglilinaw pa ni Yap, “Of course, hindi ko po talaga sasabihin 'yun, hindi ko sila ipu-put down because I came from there. And I’m always grateful and thankful for all they have done for me.
“At saka if you see the interview, makikita mo naman talagang I never mentioned na ABS 'yun. (What) I said the networks who were blocktiming and starting up, iyon ang comparison ko.
“I just said 'yung iba were doing blocktiming, 'yung iba were just starting up. So it would be difficult for them to compete with GMA, which was more established.”
Giit pa ng dating Kapamilya star, “I said na it was the easiest decision for me to go to the Kapuso Network because they were more stable compared to the other networks who offered me.
"Of course, hindi kasama ru'n ang ABS-CBN. Ang nag-offer sa akin ay ibang networks."
Hindi binanggit ni Richard ang nasabi niyang "ibang istasyon na nagba-blocktiming".
"Huwag na lang nating banggitin kasi ayoko ring siraan. I don’t want to say anything negative about other networks."
Giit pa ni Richard, "I hope the people don’t get it out of context because I never said na GMA is more stable than ABS, ayaw ko pag-awayin silang dalawa because ang liit ng industriya."
Nilinaw din ng aktor na maayos siyang nagpaalam sa mga Kapamilya bosses bago siya nag-ober da bakod.
“Ang gusto ko lang, maayos ang pagkaalis ko. I want to maintain my good relations with the people of Kapamilya Network.
“Also, hindi naman kailangang pag-awayin ang dalawang networks because there’s no use.
"We should be helping each other and lifting each other up instead of finding ways," aniya.
Bukod sa pagkaka-deny sa prangkisa ng ABS-CBN, may isa pang dahilan kung bakit nilisan nito ang dating tahanan. Ayaw daw niyang maging burden o pasanin ng dating network in finding a project for him at the height of its franchise woes.
“I wasn’t expecting also an offer with ABS because of the franchise issue, alam ko na hirap na hirap sila, hindi nila kami maa-accommodate lahat.
“So, hindi ko na ipagpipilitan 'yung sarili ko na bigyan sila ng problema na hanapan ako ng project, and they understood when I told them I was making a career move.
“So, maganda 'yung usapan namin with the bosses of ABS-CBN.”





Comments