Kaya nag-backout sa serye ni Dennis… CHERIE, NABUWISIT SA CO-STAR NA 'DI MAKASABAY SA ACTING NIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | May 11, 2021

As of today, tuloy ang airing ng Legal Wives sa June, kahit nagkaroon ng isyu sa pagre-resign ni Cherie Gil na gumaganap na ina ni Dennis Trillo sa cultural drama ng GMA-7. Inaayos lang ng production at ng network ang eksaktong petsa ng world premiere ng isa sa biggest teleserye ng Kapuso Network this year.
Hindi raw maaapektuhan ang takbo ng story kahit wala na ang karakter ni Cherie na sa kalagitnaan ng panibagong locked-in taping ay saka nag-decide na ayaw na niyang maging parte ng Legal Wives. Hindi na rin siguro ika-crop-off ang mga photos ni Cherie sa publicity photos dahil kasama naman siya sa story.
Naglabas ng statement si Cherie at inaabangan kung maglalabas din ng statement ang GMA Network para sagutin ang mga ipinunto ng aktres kung bakit siya nag-resign. Malay natin at may version ang GMA sa binanggit na rason ni Cherie sa kanyang inilabas na statement, lalo na at may nabanggit ang aktres patungkol sa kanyang mga co-stars.
Nag-react ang mga fans nina Dennis Trillo, Bianca Umali, Alice Dixson at iba pang cast, dapat daw ay pinangalanan ni Cherie ang co-star na para sa kanya, hindi makasabay sa kanyang acting.
Lalo tuloy naging interesado ang mga nakabasa sa statement ni Cherie na mapanood na ang Legal Wives para makita kung may rason ba ang aktres na magreklamo.
Also, gusto na ring mapanood ng mga Kapuso viewers kung paano ang atake ni Dennis sa role ni Ismael Macadato na may tatlong asawa. Kilalang mahusay na aktor si Dennis at masarap siyang panoorin.
Incidentally, second time na rito sa Legal Wives na gumanap na mag-ina sina Cherie at Dennis. Mag-ina rin sila sa Temptation of Wife.





Comments