top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya mamimigay ng P1M, kotse, motor, etc… SEN. BONG, MAY SILVER PLAY BUTTON NA SA YOUTUBE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2022
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 2, 2022



Super happy si Sen. Bong Revilla, Jr. na certified YouTube vlogger na rin siya dahil natanggap na niya ang kanyang SILVER PLAY BUTTON dahil sa dami ng subscribers niya sa kanyang YouTube channel.


Naantala ang naturang pagkilala mula sa YouTube dahil halos dalawang taon na nang magkaroon si Sen. Bong ng 100K subscribers.


Sa ngayon, 264K plus na ang subscribers niya at patuloy pang dumarami.


“Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag hawak mo na ‘yung kahon, unti-unti nang binubuksan hanggang mahawakan ko na ‘yung SILVER PLAY BUTTON.


"Taos-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng subscribers na nakatutok palagi sa akin... maraming salamat sa inyong lahat,” nakangiting pahayag ni Revilla.



Dahil dito, pramis ni Sen. Bong na mas marami pang sorpresa ang ihahanda niya para sa kanyang channel sa https://www.youtube.com/@BongRevillajrph.


“Sa mga hindi pa naka-subscribe, click na at makisaya! I-click ang notification bell para laging updated. Join na sa ating Road to 1 Million Subscribers para sa YouTube Gold Play Button!” pahayag pa ng tsinitong senador.


Samantala, sa "Amazing Pamasko ni Pogi" sa Disyembre 17 at 18 (Sabado at Linggo), 4 PM, mamamahagi si Sen. Bong ng P1M, 2 kotseng Suzuki S-Presso, 5 motorsiklo, 1,000 kalahok ang mananalo ng tig-P1,000 at marami pang sorpresa at cash prizes.


Mag-submit lang ng entry sa


Para makasali sa #AmazingPamaskoNiPogi, siguruhing naka-follow at subscribe sa kanyang Official Facebook Page, YouTube Channel, Instagram, at Tiktok account. Requirements ito sa pagsali sa raffle.


Oh, baka naman, mahirapan pa kayo d'yan, ewan ko na lang sa inyo, mga Ka-Bulgar!

Bongga 'yan, oh!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page