top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg
Search

ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | December 5, 2022


Muli na naman kaming nagsagawa ng BAYANIHAN RELIEF operations kasama ang ating staff upang dalhan ng tulong ang marami nating kababayan na biktima ng iba’t ibang klase ng kalamidad na hanggang ngayon ay nasa hindi pa rin maayos na kalagayan.


Ito ang mga kababayan nating nawalan ng tahanan, nakatira pa rin sa evacuation center na habang papalapit ang Pasko ay tiyak na nakadarama ng kalungkutan dahil sa kalunus-lunos nilang kalagayan.


Ganap na alas-8:45 ng umaga noong Sabado ay dumating tayo sa Block 15, Lot 42, Phase 1 Celina Homes 5 Subd. Santa Rosa, Laguna at doon ay sinalubong tayo nina Mayor Arlene Arcillas, Vice-Mayor Arcillas kasama ang kanilang Chief of Police na si Lt. Col. Paul Sabulao.


Kasunod nito’y nagtungo kami sa tennis court ng naturang lugar at doon ay dinatnan natin ang napakaraming residente at agad tayong namahagi ng family food packs at relief packs na ikinatuwa ng mga pamilya dahil kahit paano ay naalala sila sa panahon ng kanilang pangangailangan.


Bandang alas-10:00 na ng umaga nang natapos tayo sa pamamahagi at agad na nagtungo sa La Vista Subd., Barangay Buhay na Sapa, San Juan, Batangas at sinalubong naman tayo ni Mayor Beebong Salud kasama ang kanyang mga tauhan.


Mula rito ay nagtungo naman kami sa evacuation center ng naturang lugar at doon ay dinatnan ang kaawa-awa nating mga kababayan na ilang panahon nang doon naninirahan matapos mawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng mga nagdaang kalamidad.


Marami ang natutuwa sa ating pagdating, ngunit hindi talaga maiiwasan na dala ng kanilang sitwasyon ay aabutin ng habag sa sarili kaya may umiiyak sa ating pagdating at tanging mahigpit na yakap lamang ay nakakaramdam na sila ng hinahon.


Muli ay namahagi kami ng maraming family food packs at relief packs sa mga residente na hindi magkamayaw sa tuwa dahil sa marami umano sa kanilang ang sumasala na sa pagkain at umaasa na lamang sa tulong ng lokal na pamahalaan.


Ganap na alas-11:30 ng umaga ay nagtungo naman tayo sa Barangay Bantillan bridge sa pagitan ng San Juan Batangas at Sariaya, Quezon upang magsagawa ng inspeksyon sa nasirang tulay kasama si OIC District Engineer Jehela G. Roxas, mula sa 4th district engineering office ng lalawigan ng Batangas.


Bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Works sa Senado ay kailangan nating matiyak kung gaano kalaki ang damage at kung gaano katagal itong isasayos upang mas mabilis na pakinabangan ng ating mga kababayan at hindi maabala ang kanilang kabuhayan.


Makaraan ang site inspection ay saglit kaming nagpahinga ganap na alas-12: 00 ng tanghali upang kumain sa El Jardin de Zaida sa Barangay Abung, San Juan, Batangas at hindi pa rin bumibitaw si Mayor Salud.


Matapos kumain ay agad kaming bumiyahe patungong Lipa, Batangas at sinapit namin ang Mt. Malarayat Golf and Country Club at doon ay sinalubong kami ni Mayor Eric Africa at ng kanyang mga kasama at sinamahan kami sa amphitheater ng Lipa Community Park.


Doon ay dinatnan namin ang napakaraming residente na karamihan ay nasa kalunus-lunos ding kalagayan dahil sa grabeng pananalasa ng baha at ang iba ay nawalan ng tahanan dahil sa hagupit ng mga nagdaang kalamidad at hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasayos.


Libu-libong Family Food Packs at relief packs ang ating ipinamahagi sa mga residente na lahat ay tuwang-tuwa dahil sa maaga umanong pamasko sa kanila ang ating ginawa na nakatataba ng puso dahil sa maliit nating paraan ay natulungan natin ang marami nating kababayan.


Hapon na ng kami ay matapos sa pamamahagi at dito pa lamang kami umalis ng naturang lugar para magbiyahe naman pauwi upang makapagpahinga kahit isang araw dahil dadalo pa tayo ng session sa Senado ngayong araw na ito.


***


Gusto ba ninyong maging instant milyunaryo? Malaki ang inyong pagkakataon sa bago nating ‘Amazing Pamasko ni Pogi’ sa darating na Disyembre 17 at 18, araw ng Sabado at Linggo, ganap na alas-4: 00 ng hapon.


Lahat ay kasali kahit hindi naging biktima ng kalamidad, ngunit mas inaanyayahan ko ang mga kababayan nating grabeng tinamaan ng bagyo at mga pagbaha dahil bukod sa napakalaki ng tsansa ay napakadali pang manalo at maaari n’yo akong sundan sa https://www.youtube.com/@BongRevillajrph.


Tumataginting na P1 milyon ang ating ipamamahagi, dalawang kotseng Suzuki S-Presso, limang motorsiklo, isang libong kalahok ang mananalo ng tig-P1,000 at napakarami pang supresa at cash prizes na ipamamahagi.


Wala kayong dapat gawin kung hindi ang mag-submit ng entry sa https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdeJlcDZTAGapumGnXZ1FfWmrpia3NJhkWhYpBnH2Xy_r39pQ/viewform hanggang alas-11:59 ng gabi sa Disyembre 11, kaya malaki pa ang pagkakataong makasali.


Ngunit para makasali sa #AmazingPamaskoNiPogi, ay siguraduhing na naka-follow at subscribe na kayo sa aking Official Facebook Page, YouTube Channel, Instagram, at Tiktok account—tandaan, requirements ito sa pagsali sa raffle.


Malay n’yo ito na ang pagkakataon ninyo para maging milyunaryo, basta tutok lang!


Anak Ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 2, 2022



Super happy si Sen. Bong Revilla, Jr. na certified YouTube vlogger na rin siya dahil natanggap na niya ang kanyang SILVER PLAY BUTTON dahil sa dami ng subscribers niya sa kanyang YouTube channel.


Naantala ang naturang pagkilala mula sa YouTube dahil halos dalawang taon na nang magkaroon si Sen. Bong ng 100K subscribers.


Sa ngayon, 264K plus na ang subscribers niya at patuloy pang dumarami.


“Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag hawak mo na ‘yung kahon, unti-unti nang binubuksan hanggang mahawakan ko na ‘yung SILVER PLAY BUTTON.


"Taos-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng subscribers na nakatutok palagi sa akin... maraming salamat sa inyong lahat,” nakangiting pahayag ni Revilla.



Dahil dito, pramis ni Sen. Bong na mas marami pang sorpresa ang ihahanda niya para sa kanyang channel sa https://www.youtube.com/@BongRevillajrph.


“Sa mga hindi pa naka-subscribe, click na at makisaya! I-click ang notification bell para laging updated. Join na sa ating Road to 1 Million Subscribers para sa YouTube Gold Play Button!” pahayag pa ng tsinitong senador.


Samantala, sa "Amazing Pamasko ni Pogi" sa Disyembre 17 at 18 (Sabado at Linggo), 4 PM, mamamahagi si Sen. Bong ng P1M, 2 kotseng Suzuki S-Presso, 5 motorsiklo, 1,000 kalahok ang mananalo ng tig-P1,000 at marami pang sorpresa at cash prizes.


Mag-submit lang ng entry sa


Para makasali sa #AmazingPamaskoNiPogi, siguruhing naka-follow at subscribe sa kanyang Official Facebook Page, YouTube Channel, Instagram, at Tiktok account. Requirements ito sa pagsali sa raffle.


Oh, baka naman, mahirapan pa kayo d'yan, ewan ko na lang sa inyo, mga Ka-Bulgar!

Bongga 'yan, oh!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page