Kaya kani-kanya na lang… JULIE ANNE, NAGUGULO ANG BUHAY DAHIL KAY ALDEN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 16, 2021

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga tagahanga ni Julie Anne San Jose na magkakasama rin sila ni Alden Richards sa isang project ng GMA Network.
Matatandaang dating na-link sa isa't isa sina Julie at Alden. Pero, dahil umiinit na ang tambalang AlDub (Alden/Yaya Dub), minabuti muna nila na maglayo para sa kani-kanilang career.
Hindi na rin na-link sa ibang Kapuso actors si Julie Anne. Nag-focus siya sa kanyang career at isinantabi muna ang kanyang love life.
Kaya ngayon na napapanood ng kanyang mga tagahanga si Julie Anne sa Heartful Café, nagtatanong sila kung masaya raw ba ang Asia's Pop Diva.
Ayaw na ba niyang balikan ang dati nilang tandem ni Alden Richards? Tutal naman, may BF na ngayon si Maine Mendoza.
Nagtampo ba noon si Julie kay Alden?
Sa isang post ni Julie Anne San Jose sa social media, nabanggit niyang hindi siya umiiwas kay Alden Richards at wala silang gap ng aktor. Nagbabatian naman daw sila 'pag nagkikita sa mga shows ng GMA. Pero, ayaw na lang niya na magkaroon pa ng tensiyon sa mga loyal na AlDub fans. Gusto na niya ng tahimik na buhay.





Comments