top of page
BIDA - JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRES

Kaya kahit super-ganda, insecure… MARIAN, ‘DI NA MATANGKAD, MAHINA PA SA ENGLISH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 14, 2026



Marian Rivera

Photo: IG Marian Rivera




Kung sa physical na ganda ay masasabing almost perfect si Marian Rivera. Diyosa ang kanyang kagandahan na biniyayaan pa ng makinis at maputing kutis. Pang-beauty queen ang kalidad. 


Pero may mga insecurities pa rin pala siya at ramdam niyang may kulang sa kanya. Ang kakapusan niya sa height ay itinuturing niyang minus factor, lalo’t matatangkad ang karamihan sa mga artista ngayon. 


Kung sa talino ay hindi naman pahuhuli si Marian. Kaya niyang humarap kahit kaninong may katungkulan.


Ang masasabing weakness lang niya ay ang kahinaan niya sa English language. Nakakaintindi siya kahit ano’ng topic at paksa ng usapan, pero ang pagsasalita ng straight English ay hindi niya nakasanayan.


Pero dahil sa anak niyang si Zia Dantes na lumaking bibo at matalino, sinisikap ni Marian na i-level-up ang kanyang kakayahang magsalita ng English. Willing siyang maging inglesera tulad ng mister na si Dingdong Dantes at dalawang anak nila.





Nasa South Korea ngayon ang Kapuso actress na si Rhian Ramos. Marami ang nagtatanong kung ano ang dahilan o purpose ng pagpunta niya roon. Personal na bakasyon ba ito ngayong tapos na ang seryeng Sang’gre?


May project ba siyang gagawin o photo shoot para sa isang commercial? 

Maaari rin na may special appearance para sa isang exclusive interview.


Well, may ilang nagsasabi na baka naman nagso-soul-searching lang si Rhian dahil mending a broken heart siya ngayon pagkatapos ng breakup nila ni Sam Verzosa.


Baka hindi naman magtatagal sa Korea si Rhian dahil hahanapin pa rin niya ang showbiz life sa ‘Pinas. 


Ilang beses nang nabigo at nasaktan sa pag-ibig si Rhian Ramos, pero madali siyang maka-recover at hindi iniiyakan ang kabiguan.


At sa tulong ng mga kaibigan, bumabalik ang dating sigla niya. 

Malaking tulong ang kanyang pagiging abala sa kanyang career upang maka-move on.





‘Di raw ginawa noon kay Kylie… 

ALJUR, TODO-ALAGA KAY AJ



TEKA NGA - ALJUR, TODO-ALAGA KAY AJ-IG _ajabrenica


KAPUSO artist na rin pala si AJ Raval at mapapanood na siya sa ilang shows ng GMA Network. May basbas daw ni Aljur Abrenica ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.

In fact, tuwang-tuwa raw ang aktor nang malaman na kinuha na ng GMA Network si AJ. Una siyang mapapanood sa Magpakailanman


May offer ding movie, pero hindi niya tinanggap dahil sexy ang role na kanyang gagawin.

Ang kanyang mga anak ang dahilan kaya niya tinanggihan ang movie offer. Ayaw niyang may maisumbat sa kanya ang mga anak balang-araw.


Samantala, nagtataka naman ang mga netizens kung bakit todo ang pagtatanggol at pag-aalaga ni Aljur Abrenica kay AJ Raval, isang bagay na hindi niya noon nagawa sa legal wife niyang si Kylie Padilla.


Napaka-unfair nito dahil marami ring isinakripisyo si Kylie nang magpakasal kay Aljur Abrenica.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page