Kaya kahit nagsu-shooting noon, nilalayasan makapag-date lang… BARBARA, AMINADONG GUMANDA ANG BUHAY
DAHIL SA NAGING DYOWANG PULITIKO
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 29, 2021

Kung si Sarah Geronimo ay ginulat ang kanyang mga fans, isang text message naman ang ikinagulat namin kahapon.
A long-time friend and a veteran entertainment writer na si Kuya Vir Gonzales sent us a text message.
“Thank you in behalf of Barbara M,” ang laman ng mensahe ni Kuya Vir para sa amin.
Ang tinutukoy ni Kuya Vir na ‘Barbara M’ ay walang iba kundi ang matagal na ring talent at kaibigan niya na si Barbara Milano.
Nagpasalamat si Barbara in behalf of Kuya Vir sa isinulat namin sa BULGAR about her kahapon.
Sumikat si Barbara sa showbiz sa mga sexy films gaya ng Virgin People ng batikang direktor na si Celso Ad Castillo nu’ng early 2000.
Pagkatapos ay naging konsehal sa Talavera, Nueva Ecija si Barbara noong 2004.
Tanda pa namin during our interview kay Barbara sa presscon ng isa niyang movie many years ago (kaya ‘di na namin maalala ang title), naikuwento niya kung gaano sila kahirap sa probinsiya nu’ng bata pa siya.
Nakikinood lang daw sila ng TV ng mga kapatid niya sa bintana ng kapitbahay, pero pinapatayan daw sila ng TV.
Kaya sabi niya sa sarili, kapag nagkapera siya, una niyang bibilhin ay isang malaking TV set.
Naiyak pa si Barbara noong ikinukuwento niya sa amin ang hirap sa buhay na pinagdaanan niya noon.
Napaka-honest ni Barbara sa pagkukuwento ng buhay niya dahil pati ang pakikipagrelasyon niya sa isang pulitiko from a very popular political clan sa Luzon ay nabanggit niya.
Ang naturang pulitiko raw ang tumulong sa kanya para makaahon sa sobrang kahirapan ng kanyang pamilya.
Napakabait at marespeto raw sa kanya ang naturang pulitiko na 'di naman katandaan.
Hindi man daw sila madalas magkita, pero kapag nagsabi raw ang naturang pulitiko na dadalawin siya, kahit daw nasa gitna siya ng shooting, eh, umaalis siya sa set para magkita sila.
Walang duda na ang naturang pulitiko rin ang nagturo at tumulong marahil kay Barbara nu’ng pasukin niya ang pulitika.
Ayon kay Kuya Vir, nasa Talavera raw si Barbara when he texted me.
Malamang, ang daming gustong mag-interbyu kay Barbara. Pero mukhang mas gusto na lang niya ng tahimik na buhay.





Dba si PNoy ang nalink sa knya?