top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaya iniwan ni Kylie… LUMABAS NA: CO-STAR NA SI CINDY, BAGONG BABAE NI ALJUR

BULGAR
Jul 9, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 09, 2021



Tuluyan na ngang nauwi sa paghihiwalay ang relasyon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Dati na silang nagkaroon ng marital problem pero naayos naman nila agad. Pero ngayon, mismong si Robin Padilla na ang nagpatotoo na nakipaghiwalay na nga si Kylie kay Aljur.


Umuwi na si Kylie sa bahay ng kanyang ama kasama ang dalawang anak nila ni Aljur. Unang inalam ni Robin kay Kylie ay kung siya ba ay sinasaktan ng asawa. Pero, ayon kay Kylie, hindi naman daw nananakit si Aljur kapag sila ay nag-aaway.


Pero, ang hindi matatanggap ni Kylie ay ang pagkakaroon ng third party sa kanilang relasyon. At ito raw ay ang baguhang artista na ang pangalan ay Cindy na kapareha ni Aljur sa latest movie na kanyang ginawa.


Samantala, ayaw makialam ni Robin sa problema ng kanyang anak at ni Aljur. Sila lang daw ang dapat na umayos sa kanilang pinagdaraanan ngayon.


Basta ang mahigpit na bilin ni Binoe sa mag-asawa ay tigilan ang pagpo-post sa social media kapag sila ay nag-aaway at may hindi napagkakasunduan. Tiyak daw na mababasa ito ng kanilang mga anak balang-araw.

Well, ang tanong ng mga netizens ngayon ay kung desidido na ba si Kylie na tuluyang makipaghiwalay kay Aljur?! Kakayanin ba niyang maging single mom?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page