top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya ingat na ingat daw… CO-HOST NI BAYANI SA SHOW, NAGKA-COVID

  • BULGAR
  • Apr 28, 2021
  • 3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | April 28, 2021




Pamilya na para kay Bayani Agbayani ang mga executives ng Viva Entertainment. Noon pa mang nagsisimula siya sa showbiz, ang Viva Films na ang nagbigay ng opportunity sa kanya na magbida sa pelikula.


"Hindi na iba sa akin ang Viva. Kahit nasa iba akong management, love ko talaga ang Viva.


Pamilya na sila para sa akin. Kasi po, hindi naman po nawawala ‘yung communications namin ng mga boss sa Viva," pahayag ni Bayani.


Malalim ang dahilan sa naging desisyon ni Bayani para bumalik muli sa Viva.


"Kasi, ang kinakausap ko ngayon, ‘yung asawa ko, 'Hon, magbi-Viva na ako.’ Sagot niya, ‘Bakit?’


“Kasi, kailangan natin ng planning.’ Kasi, hindi naman na ako bata. Fifty-two na ako at ang tagal ko na rin sa industriya. So, kailangan, meron na tayong kaagapay para sa mga future plans natin. At ang naisip ko, at puwedeng sandalan natin, at sandalan ko, eh, Viva," lahad ni Bayani.


Sa pagkakaalam namin, may mga scripts na isinulat si Bayani. Tinanong namin siya sa solo Zoom presscon ng Viva Artist Agency para sa kanya kung ini-request ba niya sa Viva execs na magamit ang mga isinulat niyang scripts.


"Opo, pahapyaw lang po, kasi bago pa lang po kami nag-uusap-usap, at napakahirap po kasi ngayon dahil puro Zoom ang meeting, eh.

"Masarap kasing pag-usapan ‘yung mga suggestions na magkaharap talaga kayo, eh. Kasi maikukuwento mo with gestures, maikukuwento mo lahat. Madadala mo ‘yung papel. Maipapakita mo ‘yung mga ganu’n, eh. Pero nailahad ko na, nailatag ko na ‘yung iba kay Ma’am Veronique (del Rosario) nu’ng nag-Zoom meeting kami. And hopefully, lahat naman ng plano ko sa buhay, magaganap naman ‘yan in God’s time. Lahat ‘yan. Uh, 'pag kailangan nang maganap, magaganap ‘yan," kuwento niya.


Kamakailan ay namatay ang ina ni Bayani. Knows naman ng marami kung gaano kamahal ng komedyante ang kanyang ina.


"Okey naman po ako. Salamat sa Diyos kasi before mawala si Nanay, naihanda na ako ng Diyos sa pinakamasakit na maaaring mangyari. So, nu’ng may nangyari na kay Nanay nu’ng pumanaw siya, handang-handa na ang puso ko, saka ang sarili ko, dahil naihanda na ako ng Diyos. Pero kung hindi ko siya napaghandaan, baka devastated ako nang sobra. Kaso, ang nanay ko talaga ang buhay ko, eh," pagtatapat ni Bayani.


Although, paminsan-minsan daw ay pumapasok sa isip niya ang ina at ‘di niya mapigilan ang maluha.


"Ever since, nu’ng nagsisimula pa lang ako, sobrang hirap ng buhay namin, eh. Siya na talaga ‘yung kasama ko. Awa naman ng Diyos, bago siya nawala, naibigay ko ‘yung magagandang buhay na dapat napunta sa kanya. Although, kulang pa. At sana, mas marami pa siyang mararanasan. Pero palagay ko, may destiny talaga ang buhay ng bawat tao."


Pasalamat na lang daw siya na kahit nagpabalik-balik sa ospital ang kanyang ina na edad 82, never itong nagkaroon ng COVID.


"Hindi talaga siya tinablan. Talagang inalagaan siya ng Diyos. Kasi, napakahirap kapag maysakit siya, tapos may COVID pa siya, walang makakapagbantay sa kanya. Walang makakahawak ng kamay niya.


"Tapos, ‘yung ipinapanalangin ko na sana, mawala siya nang hindi siya magkakaroon ng pain, alam mo, nawala si Nanay habang natutulog siya. Napakasarap ng pagkuha ng Panginoong Diyos sa kanya, hindi na siya naghirap. At alam ko ngayon, masayang-masaya na siya, hindi na siya magkakaroon ng sakit sa katawan.


"Kasi, nagkaroon na ng complications ang diabetes niya. So, may mga pains na siya sa buong katawan niya. Kaya ngayon, okey na okey na siya.”


Sa ngayon, sobrang ingat daw ni Bayani at mga kasamahan niya sa noontime show nila sa TV5, ang Lunch Out Loud lalo pa't isa sa mga kasama niyang host ay nagka-COVID.


Hopefully, matuloy ang sitcoms na gagawin niya with Randy Santiago and Aga Muhlach separately.


Again, congratulations to Bayani for being VAA's new artist.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page