top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kaya for sale na ang mansion, cars at fast food franchise… DANIEL, BABU SA 'PINAS, SA TATE NA GUSTONG TUMIRA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 24, 2024



Ayon sa ilang malalapit na kaibigan, gusto na raw mag-migrate sa U.S.A. ni Daniel Padilla kaya isa-isa na niyang ibinebenta ang mga naipundar niyang properties. 


Naibenta na ang kanyang Corvette sports car ng P6.3 M. At ang mansion nila sa Kyusi ay ibinebenta na rin ng P50M. 


Ngayon, balitang ibinebenta na rin ni Daniel ang franchise niya ng KFC sa Tacloban ng P50M kasama ang building at mga gamit ng fast food.


Balak daw ni Daniel na sa Amerika subukan ang pakikipagsapalaran upang magkaroon ng bagong career tulad ng ginawa ni Gabby Concepcion nang maghiwalay sila ni Sharon Cuneta.


Dahil malakas ang appeal ni Gabby Concepcion sa tao, naka-survive siya sa kanyang pagso-show doon sa iba't ibang venues. Maraming Pinoy fans ang patuloy na sumuporta kay Gabby kaya hindi ito tuluyang nawalan ng career.


Ganito rin ang puwedeng gawin at maging option ni Daniel Padilla sakaling ituloy pa rin niya ang planong pagma-migrate sa USA. Balak din daw ni Daniel na sa Amerika na manirahan ang kanyang pamilya. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page