Kaya 'di pumirma ng kontrata sa GMA-7... KRIS, AYAW NANG MAG-SHOWBIZ AFTER NG KASAL
- BULGAR

- Nov 16, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 16, 2020

Nag-guest si Kris Bernal sa Sunday Noontime Live ng TV5 kahapon at dahil wala na siyang kontrata sa GMA-7, na hindi pa iniri-renew ng network, free to guest siya kahit saang network.
Ipinost ni Kris ang litrato niya kasama si Piolo Pascual na host ng show at sabi niya, “In unfamiliar territory making friends. And, staying neutral, holding my breath, with Papa P around.”
Nauna nang nag-guest si Kris sa Chika, Besh! ng TV5 at baka may susunod pa siyang guesting.
Ang sabi, si Kris ang ayaw pumirma ng kontrata sa GMA-7 dahil kapag ikinasal na siya, sa buhay-may-asawa na siya magpo-focus.





Comments