top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya bakasyon-grande lagi at todo-pasarap… KC, PASOK SA MGA YOUNGEST BILLIONAIRE SA 'PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 8, 2021




Kabilang na si KC Concepcion sa hanay ng mga young billionaire sa 'Pinas!


Lingid sa kaalaman ng marami, may mga naipundar na assets-properties si KC na hindi galing sa kanyang parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Maaga ring nag-artista si KC. At kahit wala siyang regular TV show at hindi rin aktibo sa paggawa ng pelikula ay marami siyang product endorsements na milyones ang tinatanggap niyang talent fee.


Kaya, can afford siya na mag-travel abroad at libutin ang 'Pinas, bumili ng condo, magkaroon ng mga mamahaling alahas, sasakyan at mga branded bags and shoes.


May nabili ring malaking property si KC sa Palawan kaya nadadalas ang punta niya ru'n.


Pero sa kabila ng kanyang yaman, hindi kailanman naging bratinella si KC, sa halip ay nanatili siyang humble.


Marunong din siyang mag-share ng kanyang blessings sa mga nangangailangan. Kapag may kalamidad sa bansa, isa si KC sa mga nagbibigay ng ayuda. Hindi nga lang niya ipinag-iingay ang kanyang pagkakawanggawa.


At this point of her life, hindi ang kanyang fame and glory ang mahalaga sa panganay ni Sharon Cuneta. Nangangarap din si KC na magkaroon ng isang masaya at solidong pamilya. Kaya naman patuloy siyang naghahanap ng kanyang 'the one'.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page