Kaya ayaw magmadali sa kasal… DANIEL AT KATHRYN, SEGURISTA, MAY IBA PANG GUSTO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 18, 2021

Mukhang mapapaiba nga si Daniel Padilla sa mga kalalakihan ng angkang Padilla na markadong matinik sa chicks at nagbibilang ng GF at karelasyon.
Sobra siyang na-in love sa kanyang ka-love team na si Kathryn Bernardo kaya stick to one na lang siya at hindi na natuksong manligaw pa ng iba.
Almost 9 years na ang kanilang relasyon at hanggang ngayon ay loyal at faithful siya sa nobya. At kahit bumilang pa nang ilang taon, nangako si Daniel na hinding-hindi siya magbabago at si Kath lang ang kanyang mamahalin at pakakasalan sa tamang panahon.
Hindi rin pine-pressure ni Daniel ang nobya upang sila ay magpakasal na kahit na pareho na silang stable ang kabuhayan. May sariling bahay si Daniel Padilla at nakapag-ipon-nakapagpundar na pero wala pa silang plano ni Kathryn na magpakasal.
Tulad ng nasabi ni Kath, may goal pa sila na gustong maabot. Hindi pa nila nararating ang katuparan ng kanilang mga pangarap. Kaya hindi nila kailangang magmadali para mag-settle down.
Tutal naman, pareho nilang mahal ang isa't isa at wala nang puwedeng makapaghiwalay pa sa kanila.
At his age, mature na nga ang pag-iisip ni Daniel Padilla kaya hindi siya padalus-dalos sa pagdedesisyon 'pag may kinalaman sa kanyang personal na buhay.





Comments