top of page
F4 Jerry Yan at Ellen Adarna - Circulated.jpg

Kaya ayaw daw magmadali… KATRINA, GUSTONG PANG-FOREVER NA SILA NI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 30, 2026



Kris Lawrence at Katrina Halili - IG

Photo: Kris Lawrence at Katrina Halili - IG



Mukhang sinagot na ng aktres na si Katrina Halili ang panliligaw ni Kris Lawrence.

Nag-post ng video ang aktres sa kanyang Instagram (IG) account kung saan ay may hawak siyang cake at nakasaad dito ang mga katagang, “It’s a Yes!”


Maririnig din sa video ang awiting I’d Still Say Yes ng Klymaxx at nakaupo si Katrina sa isang camping chair na may logo ng brand. 


Sa caption ay sinabi ni Katrina na hindi minamadali ang puso sa pagdedesisyon dahil panghabambuhay ang pinag-uusapan dito.


“Sa mundong napakabilis ang takbo, ‘di natin kailangang makisabay sa pagmamadali. Ang pagkilala sa isang tao ay ‘di dapat minamadali, kundi binibigyan ng panahon, pag-unawa at halaga. Sapagkat ang mga desisyong may kinalaman sa puso ay ‘di para sa panandalian lamang. Ito’y para sa panghabambuhay,” pahayag niya.


Matatandaang bago umalis patungong United States (US) si Kris ay gumawa siya ng liham para kay Katrina at humingi ng permiso na ligawan ito.


Sa latest Facebook (FB) video na ipinost ni Kris ay masaya niyang inanunsiyo na opisyal na siyang manliligaw ni Katrina.


Kilig na kilig naman ang mga fans at sobrang happy sila para sa dalawa.

“We love you, Ate Kat! Masayang-masaya po kami para sa inyo,” komento ng isang faney.

“Panghabambuhay daw po @iamkrislawrence waaaaaaaaaaa!!!!!!!” ang kilig namang sabi ng isang supporter.


“Congrats, Katrina and Kris. I love your story. Hahaha!” sey naman ng isa pa.



INTENSE fun at kilig ang siguradong nadama ng mga Pangasinense last Saturday, June 27, sa pagdayo ng You’re My Favorite Song (YMFS) at The Master Cutter (TMC) stars sa San Carlos City, Pangasinan para sa isang unforgettable Kapuso Mall Show.


Nagtilian ang lahat sa mga inihandang sorpresa at performances nina Sparkle stars Princess Aliyah at Lee Victor ng pinakabagong serye sa GMA Afternoon Prime, ang YMFS. Game na game ang kanilang mga fans sa pakikipagkulitan habang nakiki-jamming sa mga nakakakilig at nakaka-hype na song and dance numbers na especially prepared para sa kanila.


Good vibes at main character energy din ang hatid sa mga Pangasinense nina Sparkle artists Charlie Fleming at Prince Carlos ng TMC. Damang-dama ang solid na pagmamahal sa kanila ng fans na pinantayan ang kanilang very youthful at radiating energy.


Abangan ang pag-ikot ng iba pang Kapuso stars sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa courtesy of GMA Regional TV.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  MONDAY,  JUNE 29, 2026  JACKPOT PRIZE*

Grand Lotto 6/55 : 01-17-50-25-26-12 ₱ 53,059,980.40
Mega Lotto 6/45  : 33-13-06-21-18-44 ₱ 87,900,272.40
4D Lotto                 : 0-4-1-3                      ₱ 10,000.00
3D Lotto 2 PM      : 9-6-2                          ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 7-4-6-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
9-2-6-                         ₱ 4,500.00

 

*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page