Kaya after 4 yrs., naghiwalay… JANINE, 'DI BABAE ANG KARIBAL KAY RAYVER
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 19, 2021

Marami ang labis na nanghihinayang sa paghihiwalay nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez na apat na taon ding naging magkasintahan.
Pareho silang artista pero magkaiba naman ang priorities at goal na gusto nilang tahakin.
Career-oriented si Rayver at seryoso sa trabaho. Maraming oportunidad ang dumating sa kanya dahil he's a versatile actor. Nakakaarte na, kaya pang mag-host at super-galing sumayaw.
Puwede siyang ilagay kahit saang show.
Nagho-host sila ni Julie Anne San Jose sa The Clash Season 4. Nagpe-perform din siya tuwing Linggo sa All-Out Sunday. At talagang nagsikap si Rayver na umangat ang kanyang career at mag-level-up bilang artist.
Ito ay bahagi ng kanyang paghahanda upang magkaroon ng maganda at stable na future.
Nakapagpatayo na si Rayver ng sarili niyang bahay mula sa kanyang kinikita sa showbiz.
Marami pa siyang pangarap na gustong makamit.
Gusto niyang maging financially stable bago bumuo ng sariling pamilya. Hindi lang siguro niya naipaliwanag ito nang maayos sa nobyang si Janine kaya nauwi sa breakup ang lahat. Inakala ng lahat na hindi priority ni Rayver ang kanyang love life.





Comments