KATRINA, SHOCKED SA MGA IPINAGAWA SA KANYA SA SERYE NI RURU
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 31, 2023

Ikina-shocked ni Katrina Halili na isang skilled assassin pala ang kanyang role sa bagong action series ng GMA Public Affairs na Black Rider starring Ruru Madrid and Yassi Pressman.
Ang akala raw niya kasi noong una ay drug lord ang kanyang role na taga-utos lang.
“Noong unang tinanggap ko po ito, wala akong idea na ganyan. Ang alam ko po, parang drug lord lang na mag-uutus-utos," natatawang kuwento ni Katrina sa mediacon ng serye.
Kaya laking-gulat daw niya nang malamang assassin ang kanyang papel.
“Nu’ng storycon, napanganga na lang ako. ‘Po? Ha? Ha?’ Ganu’n na lang ‘yung (nasabi ko). Na-shocked po ako kasi natanggap ko na po siya,” aniyang natatawa.
Isa pang ikinaloka niya ay kailangan niyang sumailalim sa maraming training at may matitindi siyang action scenes.
“Super-shocked po ako na ang daming trainings po, tapos, ako po pala ‘yung gagawa ng action. Akala ko, taga-utos lang po,” sey niya.
“Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga trainings, sa big bikes, mixed martial arts, kung anu-ano,” tsika niya.
Aminado rin siya na at first ay nagduda siya sa sarili na baka hindi niya kayanin ang hamon ng papel dahil nasanay na raw siya sa mga nanay roles.
“Una, skeptic po ako sa sarili ko kung kaya ko, kasi nasanay na po ako sa pang-hapon na nanay na, iyak-iyak, ganyan. Tapos, sabi ko, ‘Parang ang hirap naman, ang dami kong ite-training,’”
lahad pa niya.
“Pero noong ginagawa ko na po siya, nae-enjoy ko po siya. Tapos, happy po ako na ayun, medyo lumiksi-liksi naman po ‘yung katawan ko,” sey pa ng aktres sabay-tawa.
Lupin pa raw ang huli niyang action series noong 2007 at pagkatapos ay na-stuck na siya sa mga drama. Kaya na-stress daw siya talaga nang malamang mag-a-action siya sa Black Rider.
“Noong nalaman ko na sexy assassin, na-stress na po ako lalo. Tapos kasama ko sina Ruru, tapos Matteo, mas lalo po akong na-stress. Sakit po ng ulo ko. Sobrang stressed po ako nu’ng nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko at kung ano ang gagawin po,” kuwento pa ni Katrina.
Pero thankful siya na pumayat ulit siya because of this project.
“Pero okay lang. Sa stress na ‘yun, at least, pumayat po ako, naging maliksi ulit po ang aking katawan," she said.
Aminado rin ang aktres na na-miss niya ang mga sexy roles at dahil sa Black Rider ay medyo bumalik-balik daw ang timbang niya sa dati.





Comments