KATHRYN, SABLAY DAW ANG ACTING SA SERYE NILA NI JAMES, NILAIT
- BULGAR

- Aug 15
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 15, 2026

Photo: IG _james
Bakit nga ba ang daming namba-bash kay Kathryn Bernardo sa akting niya sa teleseryeng Someone, Someday (SS) with James Reid?
Post ng isang netizen sa Threads, “‘Di ko alam kung bakit ang daming namba-bash kay Kath sa acting n’ya sa new series n’ya na Someone, Someday. Napanood n’yo na ‘tong scene na ‘to? Gagi, sobrang galing n’ya!”
Komento ng ibang netizens…
“Papalakihin lang mata, then ‘yun, okay na. Galit na. Hahaha!”
Tila sarkastiko naman ang komento ng isang ito, “Magaling nga, sa sobrang galing nitong scene, kinilabutan ako.”
“Totoo. Parang nakakatakot talagang makaaway ‘yan.”
Pagtatanggol naman ng isang fan, “‘Di sila sanay sa ganyan na Kath but I love it. She’s fierce.”
“Parang ngayon pa lang yata s’ya nagkaroon ng ganyang role. Pero grabe, galing!”
“Mga bugok naman ‘yang mga bashers ni Kath.”
“Agree, gets ko ‘yung sinasabi nila na same ang acting ni Kath pero ‘di naman para sabihin na bad acting. Usually sa mga bashers, ‘yan pa ‘yung ‘di makasabay sa pagda-dub nila sa audio sa mga TikTok video nila. Hahaha!”
“Hahaha! TAWANG-TAWA ‘KO! Pero ‘di ba? Ilang awards na natanggap n’yan, ‘di pa pala ‘yan magaling? Hahaha!”
Pagpuri naman ng isang commenter, “Ang galing n’ya sa part na ‘to. Mata sa mata lang kahit ‘di magsalita. Sana, makita mo na kayang-kaya n’yang dalhin ang character n’ya r’yan.
“‘Yung professional ka pa ring magsalita kahit gusto mo nang hambalusin si Abi, napa-wow ako. Sana ang lahat, katulad ni Billy na kayang kontrolin ang galit sa mga taong may ugaling masama.”
“S’yempre, tinapatan ba naman kasi ng Best Actress, ang nag-iisang Maja Salvador.”
Isa namang commenter ang pinasok pa talaga ang ex ni Kath na si Daniel Padilla.
“Nanonood din kaya si DJ nito? Ems (joke).”
“Huy! ‘Yan ang ‘di natin alam. Hahaha! Malay mo?”
“‘Di ako fan ni Kath, pero na-intrigue ako sa dami ng bash sa kanya. Tapos nu’ng nanood ako, very nice naman nu’ng acting n’ya at ni James—may konting chemistry as BFFs, ‘di pilit ‘yung friendship nila. Masyado lang sigurong nasanay mga tao na ka-LT (love team) niya si DJ. Anyways, no hate na lang.”
“I’ve seen all the episodes, so ano’ng mali ang ginawa ni Kathryn para i-bash? I don’t see anything wrong except that she’s more beautiful and very good at acting!”
Tumpak!
Fans, proud na proud…
SB19, LUMABAS SA JAPANESE MORNING TV PROGRAM
Proud ang mga A’TIN fans dahil lumabas sa Japanese morning TV program na DayDay ang SB19.
Guest ang ‘Kings of P-pop’ at mahusay na nag-perform sa show. Masaya rin silang nakipagkuwentuhan bilang kinatawan ng ‘Pinas. Sa kanilang live performance, ibinida nila ang pinakabago nilang single na Lawless.
Ipinagpatuloy nila ang kanilang iskedyul sa Japan sa pamamagitan ng mga pagtatanghal sa Summer Sat, isang fan meet sa Yokohama.
“Another milestone! The Philippines and beyond! Our first live TV appearance in Japan is coming up. We can't wait to share this moment with you,” caption nila sa Instagram (IG) post nila.
Ang SB19 ay bahagi ng lineup ng Summer Sonic 2026 at nagtanghal sa MASSIVE Stage kahapon, Agosto 14, sa Osaka, Japan. Magtatanghal naman sila sa PACIFIC Stage sa Tokyo ngayong Agosto 15.
Pagkatapos ng Summer Sonic Music Festival, magkakaroon sila ng Thanksgiving Fan Meet sa Yokohama sa Agosto 18.





Comments