KATHRYN, NAG-DIRTY FINGER MAI-PROMOTE LANG ANG MOVIE
ni Julie Bonifacio @Winner |October 01, 2023

Disappointed ang mga netizens-fans ni Kathryn Bernardo sa kumalat na picture sa socmed na naka-dirty finger ang aktres sa block screening ng kanyang latest movie na A Very Good Girl.
Lumabas ang naturang piktyur ni Kathryn sa Facebook page ng Film Productions, Inc. (Star Cinema).
Dahil d’yan, uminit ang ulo ng maraming netizens at nagdulot ng pagkakahati-hati ng opinyon ng fans ni Kathryn.
“Sobrang idol ko si Kath, pero parang dahil dito, bigla akong na-off.”
“I like Kathryn but I am disappointed with the hand gesture. Not a good example. So sad.”
“Please delete photo. So sad. Okay lang kung peace or heart sign.”
Big question mark din sa ibang showbiz kibitzers kung kailangan pa raw bang gawin ‘yun ni Kathryn para i-promote ang kanyang pelikula?
At huwag naman daw maging desperada si Kathryn na gagawin pa ang ganito para pag-usapan lalo pa’t marami pa rin sa mga fans ng on-and-off screen partner ni Daniel Padilla ay mga minor.
Another issue na pinag-uusapan ng mga netizens ay ang photo shoot ni Kathryn for a jewelry brand.
Napansin kasi agad ng mga netizens ang dibdib ni Kathryn, although ang ganda-ganda ng aktres sa mga litrato.
“Ganda Kath super!! Jusko, ako, kahit naka-push-up bra, wala pa rin."
“Bakit parang bra yata ine-endorse niya? Haha! Ang hot naman po."
“Silicon ata ine-indorse."
May comment din na ikinukumpara si Kathryn kina Kris Bernal at Nadine Lustre na nauna nang naintriga sa kanilang mga dibdib.
Oh, well.





Comments