top of page
Search
  • BULGAR

Kathryn, ‘di nililigawan, Alden… ECHO, IDINIIN NA ‘DI PA FEEL MAGKA-LOVE LIFE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 18, 2024




Tiyak na good news ang hatid sa kampo ni Alden Richards at sa mga KathDen fans nila ni Kathryn Bernardo ang kinumpirma ni Jericho Rosales sa latest interview sa kanya.


Naibalita kasi lately ni kapatid na Ogie Diaz na nanliligaw na si Echo kay Kathryn, kaya naman nagkaroon ng Team Echo at Team Alden.


Pero sa latest interview nga kay Echo ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe para sa On Cue, natanong ang aktor kung kasama ba sa priorities niya ngayong 2024 ang pagkakaroon ng bagong love life.


Ang naging sagot ni Echo, “No. It’s too early for that.”


Meaning, hindi pa handa si Echo na palitan sa puso niya ang ex-wife na si Kim Jones.


At kahit nga ilang beses na rin silang nakitang magkasama ni Kathryn, mukhang ‘younger sis’ lang naman ang tingin ni Jericho kay Kath.


Paulit-ulit ding idiniin ni Echo na career ang priority niya ngayong 2024 at may collaboration pala siya with Dreamscape Entertainment and Star Cinema para sa TV at film projects.


So, sa mga nakaka-miss kay Jericho na isa na ring producer ngayon, abangan natin kung ano ang mga biggest pasabog niya for 2024, but definitely nga, hindi usaping-puso ito.


Kaya sa mga KathDen fans, hinga-hinga na, guys!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page