top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Katas daw ng todo-kayod… SANYA, PROUD NA BRAND NEW CAR ANG B-DAY GIFT SA SARILI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 18, 2026



Sanya Lopez - IG

Photo: Sanya Lopez - IG



Super proud si Sanya Lopez sa kanyang latest milestone matapos bumili ng bagong sasakyan bilang early birthday gift niya sa sarili.


Sa kanyang Instagram (IG) page ay ifinlex ng Kapuso actress ang nabiling brand-new Nissan Patrol straight from the casa.


Sa isang larawan ay makikitang siya na mismo ang nagda-drive nito.

“I’ve always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart, and trust God’s timing, beautiful things will eventually find their way to you,” sey ni Sanya sa caption.


“A little early for my birthday, but here’s a gift to myself,” aniya pa.

“Thank you po, Lord, sa lahat ng blessings mo po palagi,” pagtatapos ng aktres.


Dumagsa naman sa comment section ang pagbati sa kanya ng mga fans at kapwa-celebrities tulad nina Carla Abellana, Kate Valdez, Gabbi Garcia, Glaiza de Castro, Ashley Ortega, Jeric Gonzales at marami pang iba.





MULING magpapasiklab sa primetime ang ‘Hari ng Aksiyon sa Ating Henerasyon’ na si Coco Martin sa kanyang pinakaaabangang pagbabalik-telebisyon matapos ilabas ng ABS-CBN ang opisyal na trailer ng Coco Martin’s Sigabo.


Ipinasilip dito ang mala-pelikulang kalidad ng produksiyon na may makapigil-hiningang aksiyon at ilan sa mga kakikiligang eksena ni Coco kasama ang Prime Actress na si Julia Montes.


Ito ang kauna-unahang orihinal na konsepto ni Coco kung saan tampok ang kanyang tatak-Coco Martin na aksyon na may halo ring siksik sa kilig at katatawanan na siguradong tatatak at aantig sa mga manonood gabi-gabi.


“Sobra akong proud na proud sa project na ito, kasi from Probinsyano to Batang Quiapo, talagang in-upgrade namin,” pahayag ni Coco sa TV Patrol tungkol sa serye kung saan siya ang pangunahing bida, direktor at producer kasama si Julia.

Ibang klaseng timpla ang handog ni Coco sa serye bilang si Gabo, isang mapagmahal na anak at dating preso na sasabak sa isang malupit na misyon kapalit ng kanyang kalayaan, kung saan makikilala niya si Sam (Julia), isang abogado at investigative agent.


Samantala, bumuhos ang papuri para kay Coco mula sa mga respetadong personalidad sa industriya tulad nina Erik Matti at Roselle Monteverde, pati mga aktor na bihasa sa aksiyon na sina Lito Lapid at Mark Lapid, na kinilala ang kanyang mala-blockbuster na tagumpay mula FPJ’s Ang Probinsyano (AP) hanggang FPJ’s Batang Quiapo (BQ), at iginiit na tunay siyang karapat-dapat sa titulong ‘Hari ng Aksiyon sa Ating Henerasyon’.


Ayon nga sa batikang filmmaker na si Erik sa interview sa TV Patrol (TVP), “It’s Coco who really brought back the excitement of action movies and series. ‘Pag gawa n’ya ng aksiyon, action all the way. He started it again when no one else was looking into action.”


Pasabog din ang mga makakasama ng CocoJul (Coco at Julia) sa action-romance series tulad nina JC De Vera, JM De Guzman, Arci Muñoz, Sue Ramirez, Jhong Hilario, Edu Manzano, Carmi Martin, Chanda Romero, Irma Adlawan, Joey Marquez at marami pang iba.


Patuloy namang umaarangkada ang mainit na suporta ng Kapamilya sa CocoJul at cast ng Sigabo sa kanilang nationwide motorcade na dinadagsa at sinusuportahan ng mga fans sa iba’t ibang panig ng bansa.


Matapos dumugin ang mala-piyestang Sigabo motorcade sa Metro Manila at Cebu, dadalhin naman ng CocoJul ang saya at selebrasyon kasama ang fans sa Cavite (Hunyo 18), Palawan (Hunyo 20), at Pampanga (Hunyo 28).


Mapapanood na ang Coco Martin’s Sigabo simula Hunyo 22, 8 PM, sa ALLTV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant website or app.


1 Comment


Robert Hale
Robert Hale
Jun 19

People choose different outfits based on weather, work, and personal taste. Quality fabrics help clothing last longer and feel better throughout the day. Many fashion brands focus on creating practical and attractive apparel for various needs. A custom t shirts manufacturer can help businesses, schools, and events create unique clothing designs. Well-made clothes combine durability and appearance, making them a popular choice for individuals seeking both function and style.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page