Katas daw ng showbiz… FRANCINE, MAY DREAM HOUSE NA, MAY KOTSE PA AT NAPAG-AARAL ANG MGA UTOL
- BULGAR
- Aug 28, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 28, 2021

Natupad na ni Francine Diaz ang long-time dream ng kanyang family na magkaroon ng sariling bahay at sasakyan. Ini-reveal ni Francine ang tungkol dito sa latest vlog sa YouTube ng famous beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo.
Mula sa mga kinita niya sa pag-aartista siyempre pa kaya nakabili na ng bahay at kotse si Francine for her family.
“Gustung-gusto kasi namin ng sariling bahay. Actually, palipat-lipat nga kami. Ngayon, nakakatuwa na meron na kaming house and may car na rin. 'Yung top two na sobrang kailangan namin, 'yun 'yung inuna ko. And ngayon, 'yung mga kapatid ko, nag-aaral pa sila and gusto ko, ma-achieve na may makapagtapos ako na kapatid sa pag-aaral,” pahayag ni Francine kay Dra. Vicki.
Plano rin ni Francine ang makapag-college after niyang magtapos sa high school.
“Siyempre, kasama sa dream ko 'yung sa college kasi I believe, hindi naman pang-forever 'yung fame, so kailangan, parati ka may fallback, na meron kang ititira for yourself. So, 'yun 'yung gusto ko na mag-college ako, para kahit papaano, if ever magtayo ako ng business, kung mawalan man ako, huwag naman sana ngayon, ng work, at least may nag-aantay sa akin na puwede kong pagkaabalahan in the future,” lahad niya.
Pangatlo si Francine sa anim na magkakapatid, pero wala raw sa mga kapatid niya ang may gustong pasukin din ang showbiz.
"Kung gusto nila, susuportahan ko sila, pero wala silang balak, eh (laughs). Sobrang mahiyain sila. Maski may bisita sa bahay, nahihiya silang bumati. Hanggang hi lang sila. Pero kung gusto nilang mag-artista, susuportahan ko sila," sabi pa ng isa sa mga bida ng Kapamilya teleserye na Huwag Kang Mangamba.








Comments