Kasunod ng bunsong si Dylan… JENNYLYN, SURE NANG BOY ANG NEXT BABY NILA NI DENNIS
- BULGAR

- May 7
- 3 min read
Updated: May 13
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 7, 2026

Photo: IG _mercadojenny
Ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang pumalit kay Primetime Queen Marian Rivera bilang bagong endorser ng Reverie, ang premium home fragrance product ng Beautederm Corporation.
Kahapon ginanap ang contract signing ni Jennylyn para sa pangalawang product ng Beautederm na kanyang ie-endorse.
Una siyang kinuha ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan bilang brand ambassador ng Beautederm skin care products nu’ng July, 2024.
Pero dahil bago pa pala kinuhang endorser si Jen ng Beautederm ay may plano na siyang magtayo ng sariling skin care products (mga lip tint daw muna), na ngayon ay finally sinimulan na nga niya, nagpasabi siya sa Beautederm CEO tungkol dito.
At dahil napaka-open-minded naman ni Ma’m Rei Tan, bukod sa pamilya na ang turing niya kina Jennylyn at Dennis dahil inaanak niya ang bunso ng mag-asawa na si Dylan, suportado naman daw ng mabait na businesswoman ang bagong negosyo ni Jen, kaya hindi tinanggal ang aktres bilang endorser, sa halip ay binigyan ng bagong product na kanyang ie-endorse.
At dahil OC (obsessive-compulsive) din daw si Jennylyn pagdating sa pag-aayos ng kanilang bahay, swak na swak sa kanya ang maging endorser ng Reverie dahil gusto raw niya ay laging mabango ang paligid para laging relaxed at good vibes.
Tinanong namin si Jennylyn sa mediacon-contract signing niya kahapon sa Solaire North kung ano sa anim na scents ng Reverie (Cafe Aroma, First Embrace, Pure Serenity, First Nostalgia, Lily Lush at Cloud Whisper) ang paborito niyang gamitin kapag nagla-loving-loving sila ng mister na si Dennis Trillo.
Natawa ang aktres, pero game na game rin namang sumagot na ‘yung Cafe Aroma raw para gising na gising sila ni Dennis habang nagla-loving-loving.
Although, gustung-gusto rin daw niya ‘yung amoy ng Pure Serenity at Cloud Whisper na nagpapaalala pa nga raw sa kanya ng first date nila ni Dennis.
Samantala, natanong namin si Jennylyn kung may plan pa sila ni Dennis na sundan ang daughter nilang si Dylan.
Pag-amin ni Jennylyn, open book naman daw ‘yung hirap siyang mabuntis noon kaya nagpa-freeze na siya ng kanyang egg abroad, pero bigla nga siyang nabuntis kay Dylan kaya hindi muna nagamit ‘yung frozen egg.
So, siguro raw, kung ready na sila ni Dennis na magkaanak uli, ‘yung ipina-reserve nilang egg na “baby boy” daw (alam na nila ang gender dahil embryo na raw ito) ang gagamitin nila through in vitro fertilization. ‘Yan ay kung sakaling hindi na nga mabuntis uli si Jen through natural way.
Pero sa ngayon daw kasi, ine-enjoy pa nila ang pag-aalaga kay Dylan na sabi ni Jennylyn ay napakabait na bata.
Samantala, puring-puri naman ni Ma’m Rei Tan ang ugali ng mag-asawang Jennylyn at Dennis na bukod sa very humble na raw ay marunong pang magpahalaga sa respeto dahil nagpasabi nga sa kanya si Jennylyn nang makapag-decide itong magtatayo na ng sariling negosyo.
Xian Gaza, naglabas ng ebidensiya, pinagpiyestahan… KIM, KABIT DAW NG PAMILYADONG CONG.
Wala pang reaksiyon ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo na pinagpipiyestahan ang kanyang pangalan matapos nga siyang tukuyin ng ilang netizens na siyang bida sa blind item ng Pambansang Marites na si Christian Albert Gaza a.k.a. Xian Gaza sa Facebook post nito.
Ayon kasi sa BI (blind item) ni Xian Gaza, may super-sikat na babaeng celebrity na yumaman daw dahil sa kahaharbat sa matandang mayaman at ang favorite raw nitong hinihingi ay house and lot.
Nag-upload din si Xian Gaza ng picture nu’ng girl at ng matabang lalaki habang nagde-date, although may kalayuan ang shot at blurred pa kaya hindi madaling hulaan kung sino sila.
Pero may ilang clues na ibinigay ang Pambansang Marites sa kanyang post, at aniya, “Itago natin sa pangalang Korean Sundae. Hindi ko ia-upload ‘yung video bilang respeto sa asawa't anak ni Cong.”
May mga netizens na pumick-up sa naturang blind item at pinangalanan nga si Kim Domingo base ru’n sa picture na ipinost ni Xian Gaza.
Binisita namin ang FB acount ni Kim kung may statement ba siya sa pagdawit sa kanyang pangalan sa controversial issue na ito, pero so far, wala pang inilalabas ang Kapuso actress, maging ang kanyang talent management.
Hintayin na lang natin kung ano’ng magiging sagot ni Kim sa pagdamay sa kanya sa isyung ‘yan.





This post is a thoughtful reminder of how small actions can support a positive community. I especially appreciate the focus on safety and giving back to the NHS. It is also a great reminder that practical resources, how to reset spectrum router such as , can make everyday tasks easier.
This was an informative article with practical value for people who need account-access guidance. Anyone searching for Three Login can benefit from clear information that helps them understand the process. I especially liked the simple presentation, as it makes the subject easier to follow without adding unnecessary complexity.
Congratulations to Jennylyn and Dennis on the wonderful family news! Wishing them a healthy and happy journey ahead with their growing family. Looking forward to seeing more beautiful moments captured in 高画質変換 quality.
What a wholesome update! I’m glad Jennylyn found a fragrance campaign that perfectly matches her love for a relaxing home, and it’s inspiring to see her CEO support her personal business venture too. Wishing the couple all the best as they enjoy raising Dylan and plan for the future!
While catching up on celebrity news, I always like to keep my mind sharp with a quick arrow puzzle. It’s such a fun way to take a mental break between reading sessions!
Ang ganda ng relasyon nina Jen at Ms. Rhea Tan, talagang may respeto sa isa't isa kahit may kanya-kanyang negosyo. Nakakatuwa rin na pinaghahandaan talaga nila ni Dennis 'yung susunod na baby gamit 'yung frozen embryo nila. Napaka-humble at totoong tao kasi ng mag-asawang 'to. AI daily report