top of page

Kasunduan sa pagitan ng magsasaka at landlord

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 40 minutes ago
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 30, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Ang Pilipinas, gaano man kalayo ang pag-unlad na narating nito sa larangan ng teknolohiya, ay nananatiling isang bansa kung saan ang pagsasaka ay nagsisilbing pangunahing pinagkakakitaan ng marami pa rin sa ating mga kababayan. Ito ay bunsod na rin ng angking yaman at yabong ng ating mga kalupaan na ipinagkaloob ng Maykapal. 


Subalit hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang sariling lupa at patuloy na nakikisaka lamang sa mga kababayan nating naging mas mapalad sa buhay na makapagpundar ng kanilang kalupaan. Kaya naman may mga batas tayo na naglalayong magbigay ng proteksyon sa kanila na nananatiling nakikisaka lamang. Ito ay pagpapatotoo at pagbibigay buhay sa kasabihan na ang mga taong salat sa kayamanan ay mas may higit na proteksyon sa batas. 


Kapag ang magsasaka (tenant) at ang kanyang landlord ay may kasunduan na sila ay hati sa itatanim na binhi, pati na rin sa abono na ilalagay bilang pataba sa mga pananim, ang relasyong nabuo sa pagitan nila ay hindi ng isang landlord at tenant, kung hindi isang partnership.


Nakasaad sa mga Artikulo 1767 at 1771 ng New Civil Code of the Philippines ang mga sumusunod:


 “Article 1767: By the contract of partnership two or more persons bind themselves to contribute money, property, or industry to a common fund, with the intention of dividing the profits among themselves.

 

Article 1771: A partnership may be constituted in any form, except where immovable property or real rights are contributed thereto, in which case a public instrument shall be necessary.”


Mula sa nabanggit na mga probisyon ng nasabing batas ay makikita natin na ang nabuong relasyon sa pagitan ng isang magsasaka at may-ari ng lupa na nagkasundong maghati sa binhi pati na sa abono ay isang partnership. Ang kontribusyon ng landlord sa partnership ay ang kanyang pag-aaring lupa, kalahati ng binhi, at kalahati ng abono o pataba. Sa kabilang banda, ang kontribusyon naman ng magsasaka ay ang kanyang lakas at paggawa sa lupang sakahan, kalahati ng binhi, at kalahati rin ng abono o pataba. Anumang kikitain sa pagtatanim ay paghahatian nilang dalawa nang patas. 


Bagama’t ang isang partnership ay dapat na nakapaloob sa isang nakasulat na kontrata kung ang isa sa mga kontribusyon ay lupang sakahan na itinuturing na isang immovable property, mananatiling balido at may bisa ang kasunduan sa pagitan ng tenant at landlord hanggang sa maisakatuparan ang kanilang mga napagkasunduan ng tapat. Subalit dapat na manatiling iyon lamang napagkasunduan ng bawat panig ang mapangyari sapagkat kung mayroon pang ginawa ang magsasaka na taliwas sa napagkasunduan, katulad ng pagpapatayo ng istruktura na hindi nalalaman ng may-ari ng lupa, mawawalan ng karapatan ang magsasaka sa anumang ilegal na istruktura na kanyang itinayo (Artikulo 449 ng New Civil Code). Maaari ring ipatanggal ng may-ari ng lupa sa magsasaka ang ilegal na istruktura gamit ang sariling pera o pondo ng magsasaka, o ‘di kaya ay pabayaran sa magsasaka ang halaga ng lupang ginamit sa ilegal na istruktura (Artikulo 450 ng parehong batas). Sa parehong pangyayari, ang may-ari ng lupa ay may karapatang kumolekta ng pinsalang pinansyal (damages) mula sa magsasaka (Artikulo 451 ng parehong batas). Tinataguriang isang “builder in bad faith” ang sinumang magtayo ng istruktura sa isang lupa na nalalaman niyang pag-aari ng iba nang walang pahintulot, at ang walang kapahintulutang ito ay magbibigay buhay sa mga sumusunod na batas upang proteksyunan ang may-ari ng lupa:


“Art. 449. He who builds, plants or sows in bad faith on the land of another, loses what is built, planted or sown without right to indemnity.” 


“Art. 450. The owner of the land on which anything has been built, planted or sown in bad faith may demand the demolition of the work, or that the planting or sowing be removed, in order to replace things in their former condition at the expense of the person who built, planted or sowed; or he may compel the builder or planter to pay the price of the land, and the sower the proper rent.”


“Art. 451. In the cases of the two preceding articles, the landowner is entitled to damages from the builder, planter or sower.”




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page