Kasosyo sa negosyo at GF-talent… JAMES AT LIZA, TIKOM ANG BIBIG SA PAGKAHULI KAY JEFFREY OH
- BULGAR
- Aug 6, 2023
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 6, 2023

Marami ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay walang panig na inilalabas ang kampo ni Jeffrey Oh, ang Chief Executive Officer o CEO ng Careless Management at business partner ni James Reid sa pagma-manage kay Liza Soberano at iba pa nilang talents, sa pagkakakulong nito mahigit isang linggo na ang nakararaan.
Bakit hindi nagsasalita si James tungkol sa business partner niya at si Liza na masyadong vocal sa lahat ng bagay, bakit tahimik din at hindi niya ipinagtatanggol ang manager niya na sinasabi ring bagong boyfriend niya?
Isinulat namin dito sa BULGAR na kasalukuyang nakapiit sa Bureau of Immigration Detention Center sa Bicutan si Jeffrey Oh, base ito sa report nina Nanay Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na YouTube channel.
Ilang araw na itong tinatalakay sa SNN at ilang beses na rin namin itong isinusulat pero nananatiling tahimik ang kampo ng Careless management partikular sina Jeffrey Oh at James Reid.
Ang sabi ng mga nagtatanong ay nakausap nila ang mga friends nila na malapit sa mga taga-Careless at ipinagdiinan ng mga ito na matagal nang wala sa bansa si Jeffrey Oh kaya paano raw masasabing nakakulong ang manager ni Liza?
Bukod dito ay kilala si Jeffrey Oh na sumasagot kaagad kapag may gusto siyang sagutin na isyu, kaya kataka-taka na nanahimik siya ngayon tungkol sa isyung nakapiit siya sa BI Detention Center.
Sa Showbiz Now Na episode nitong Biyernes, Agosto 4, ay sinagot ni ‘Nay Cristy ang mga nagsasabing matagal nang wala sa bansa si Jeffrey Oh.
“Eh, sino ang nakunan ng BID, multo?! Sino ‘yung dinampot ng BID, multo? Sino ang nakunan ng GMA news team, multo pa rin?” tanong nito sa mga nagsasabi.
Hirit ni Romel Chika, “Ipinahuli ng mismong tatay ni James Reid itong si Jeffrey Oh, ang CEO ng Careless.”
Say ni Nanay Cristy, “Ito po ay naganap sa Poblacion, Makati noong nakaraang linggo at nakunan po ito ng GMA-7 (news), hindi lang po ipinalabas dahil i-inquest pa siya (Jeffrey Oh).
“Nakikipag-meeting po itong si Jeffrey Oh nang dumating ang mga tauhan ng BID (Bureau of Immigration and Deportation), hiningan po siya ng mga papeles, hiningan siya ng SEC registration (pero) wala! At wala rin po siyang karapatang mag-business dito sa Pilipinas dahil wala siyang mga dokumento.
“Ang rason daw kung bakit ang tatay ni James Reid ay nagdesisyon na ipahuli itong si Mr. Oh ay hindi raw naibabalik ang pera o amount na pinag-usapan bilang magka-partner (with James Reid as the president and founder).
“Ang lakas ng loob niya (Jeffrey Oh) na pumunta rito sa Pilipinas at tuturuan si Liza ng kung anu-ano ang sasabihin nito sa kanyang mga kapanayam, eh, wala naman pala siyang karapatang mag-business dito dahil dayuhan siya.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay naka-pribado na ang Instagram account ni Jeffrey Oh at si James naman ay tinanggal din ang mga larawang kasama niya ang kanyang business partner sa IG account nito at ang huling meron silang magkasama ay noon pang July 29, 2022 kasama ang mga kaibigan at si Liza na nasa isang restaurant sila.
Anyway, nananatiling bukas ang BULGAR sa panig ni Jeffrey Oh o ng kampo niya.

Isa pang nananahimik ay ang kampo ng mag-asawang Dawn Zulueta at Ginoong Anton Lagdameo na Special Assistant ni Presidente Bongbong Marcos, Jr..
Ilang araw nang pinagpipistahan ang isyung hiwalay na ang dalawa dahil nasa Amerika pa rin si Dawn kasama ang anak na babae at makikita sa mga video posts nila na ini-enjoy niya ang bonding moments nilang mag-ina kasama ang mga kaanak at kaibigan.
Kaya lalong tumitibay ang hinala na hiwalay na ang dalawa dahil si Ginoong Anton ay nali-link diumano sa staff niya.
Nabanggit din ito ng vlogger na nagngangalang Maharlika na nakabase sa Amerika pero ang laman ng buong YT channel niya ay mga balita tungkol sa gobyerno.
Sa madaling salita ay may nagpi-feed na taga-gobyerno dahil tahasan niyang binanggit ang mga pangalan nina Dawn (na ginawa pang Dawn Gomez) at Ginoong Anton.
Sabi naman ng aming source ay may gustong mawala si SAP Anton sa Palasyo kaya ginagawan ito ng isyu.
“Si Shena ay puppet ng mga gustong mapatalsik si Anton. Paano ako maniniwala sa echoserang si Maharlika na mahilig magturo ng ibang tao samantalang ‘yung informant niya mismo ang ahas sa office ni Anton na pilit ang pang-aakit para lang magkaroon ng power?
“Maharlika, kung magaling ka, pakuha mo nga ang flight manifest ng mga private plane trips ni Anton at sabihin mo sa akin, sino ang babae na lagi niyang kasakay sa private plane?
“Sino ang babae na hindi naman kasama sa official entourage pero biglang lumilitaw sa mga provincial events? Sa Cebu, Davao, mga trips sa Mindanao. Bakit siya lang ang babae na kasama plus security?” hamong tanong pa ng aming source.
Anyway, bukas ang BULGAR sa panig nina SAP Anton at Dawn tungkol sa isyu.





Comments