top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kasong kriminal sa mister na ayaw nang magsustento sa kanyang mag-ina

BULGAR
Apr 20, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 20, 2022



Dear Chief Acosta,

Iniwan ako ng aking asawa noong buntis pa ako sa aming anak. Nangako siyang tutulong sa pang-araw-araw naming gastusin kahit hindi na kami nagsasama, pero bigla siyang tumanggi na magbigay ng sustento. Maituturing bang krimen ang hindi niya pagbibigay ng sustento?

Lorna


Dear Lorna,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 5 ng Republic Act No. 9262, o mas kilala sa tawag na Anti-Violence against Women and Children Act of 2004” kung saan nakasaad na:

“SECTION 5. Acts of Violence Against Women and Their Children.- The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

x x x

(e) x x x This shall include, but not limited to, the following acts committed with the purpose or effect of controlling or restricting the woman's or her child's movement or conduct

(1) x x x


(2) Depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman's children insufficient financial support;” (Binigyang-diin)

Malinaw na nakasaad sa nabanggit na batas na ang pagbawi ng pinansyal na suporta na nararapat sa babae o kanyang mga anak ay maituturing na krimen ng karahasan sa kababaihan at kabataan. Samakatuwid, maaari n’yong sampahan ng kasong kriminal ang inyong asawa alinsunod sa nasabing batas dahil ang kanyang pagbawi ng sustento sa inyong mag-ina ay maituturing na “act of violence” o karahasan na layuning parusahan ng nasabing batas.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page