Kasong child abuse, ibinasura ng korte… ALFRED KAY ROB SY: HINDI PA TAPOS ANG LABAN
- BULGAR

- May 29
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 26, 2026

Photo: Alfred Vargas
“Hindi pa tapos ang laban.”
Ito ang pahayag ni Quezon City (QC) Councilor Alfred Vargas matapos ibasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang child abuse complaint na isinampa niya at ng misis na si Yasmine Espiritu laban sa aktor na si Rob Sy at sa live-in partner nito.
Ang nasabing kaso ay kaugnay ng umano’y pambu-bully sa kanilang anak.
Batay sa resolusyong inilabas ng piskalya, walang sapat na ebidensiyang naipakita ang kampo ni Alfred na may pananagutan si Rob at partner nito sa inirereklamong insidente.
Sa kanyang Facebook (FB) page, naglabas ng official statement ang aktor-konsehal hinggil sa pagkaka-dismiss ng kaso.
“We have been informed about the decision of the prosecutor. While we have yet to receive the official decision, we say with certainty that we respect the law and due process and we will continue to do so regardless of the outcome,” simula ni Alfred.
Kasunod nito ay ipinahayag niyang magsasagawa sila ng kaukulang legal na hakbang upang makamit ang hustisya para sa kanilang anak.
“In the same light, due process allows us to seek legal remedies. We will exert all available legal avenues to pursue justice for our child.
“‘Di pa po rito nagtatapos ang laban. Thank you for all your prayers,” saad ni Alfred.
Noong April 13 ay naghain sina Alfred at Yasmine ng reklamo para sa umano’y violation of Section 10(a) of Republic Act No. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
BIHIRA ang nakakaalam na pinag-aaral ni Boy Abunda ang mga young stars na sina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza.
Sa The Boy Abunda Talk Channel (TBWTC) na mapapanood sa YouTube (YT), humarap ang dalawang dating Pinoy Big Brother (PBB) alumni sa TV host at ibinahagi ang kanilang journey bilang working students.
Ang dalawang scholars ni Kuya Boy ay kasalukuyang nag-aaral sa Philippine Women’s University (PWU) sa Maynila. Si Kaori ay kumukuha ng kursong Psychology, habang si Aljon naman ay Marketing Management.
Ayon kay Kaori, naging masaya ang experience niya sa kanyang pag-aaral dahil mababait ang kanyang mga professors.
“Sobrang welcoming nila, sobrang considerate nila when it comes to schedule namin. ‘Yung mga professors namin, madaling pakiusapan kung meron kaming mga late submissions or mga absences,” pagbabahagi ni Kaori.
Ayon naman kay Aljon, bagama’t may mga challenges din daw siyang kinaharap ay nag-enjoy naman siya sa kanyang pag-aaral.
“Na-enjoy ko pero may mga challenges din. Irregular student kasi ako so may mga classmates ako na nauna mag-graduate sa akin tapos iba na naman ‘yung classmate ko. Medyo mahirap mag-adjust sa environment kumbaga,” kuwento ng aktor.
Malaki ang pasasalamat ng dalawa sa napakalaking oportunidad na ibinigay sa kanila ni Kuya Boy Abunda.
Sa ngayon, looking forward na sina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza sa kanilang pagtatapos very soon.





Comments