Kasama si Ruffa… CESAR AT DIEGO, NAG-BONDING SA HAWAII
- BULGAR
- Dec 23, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | December 23, 2022

Kuha ni Ruffa Gutierrez ang photos at video nina Cesar Montano at Diego Loyzaga noong nasa Hawaii sila. Ipinost ni Cesar sa Instagram ang photo nila at may caption na: “First time to work and to travel with my son @diegoloyzaga. Had a great time in Hawaii.
Looking for more. Mahalo to our great God! Thanks so much to my FL @iloveruffag for this awesome candid shot. Mahalo!”
Video naman ang ipinost ni Diego sa kanyang IG at short lang ang caption niyang: “Thanks Hawaii.”
Pati ang mga netizens, nag-react sa photo/video na nakatalikod na naglalakad ang mag-ama. Nakaakbay si Cesar kay Diego at nakahawak naman si Diego sa waist ni Cesar. Si Sunshine Cruz nga, napa-comment ng heart emojis.
May mga nagtanong kung ano ang ginawa ng mag-ama at ni Ruffa sa Hawaii. Hindi naman siguro para sa shooting ng third installment ng Maid in Malacañang dahil tinatapos pa lang ni Director Darryl Yap ang second installment na Martyr or Murderer o #MoM.
Ang title ng third installment ay “Mabuhay Aloha Mabuhay” o #MaM. Parang guest ang tatlo sa isang event sa Hawaii.





Comments