ni Nitz Miralles @Bida | February 23, 2023

Ayan na, umapela ang mga netizens sa MTRCB na ipatigil ang showing ng Martyr or Murderer o #MoM na showing sa March 1, 2023.
Kasunod ito ng announcement ng MTRCB na plano nilang hindi payagang maipalabas sa bansa ang pelikula ni Gerald Butler na Plane.
Ang announcement na ito ng MTRCB na naka-post sa kanilang Facebook page ay umani ng comment from the netizens. Inakusahan nila si Director Darryl Yap of “disseminating historical falsehoods in order to clean up the Marcos family’s image.”
Comment pa ng isang netizen, “Samantalang ‘yung puro pelikula ni Darryl Yap na puro kasinungalingan, ayaw i-ban.”
Ipinagtanggol si Direk Darryl ng mga fans at binanggit na ang movie niya ang supported by documentation. Wala pang sagot ang MTRCB dito.
Si Direk Darryl, may sagot na sa isyu at maiksi lang ang sinabing “Bakit po ipapahinto?
Bakit po tayo natatakot? #MartyrorMurderer. March 1.”
Sa mga comments na nabasa namin, marami ang susuporta sa #MoM at magagalit sila kapag hindi natuloy sa March 1 ang movie.
Sa ginagawa raw ng anti-Marcos, naipo-promote nila nang libre ang movie. Saka, bakit daw ba takot silang mapanood ang pelikula?
May isa pa palang pasabog si Direk Darryl, pinasalamatan nito ang aniya ay “open-minded" Kakampink artist na pumayag gampanan ang role ni Leni Robredo sa Mabuhay Aloha Mabuhay o #MaM, ang last sa trilogy movie ng mga Marcos.
Siguradong maba-bash ang aktres na ito at ready naman siguro siya.



