Kasama nina Andi at mga anak sa Siargao…PHILMAR, NAGLASING DAW DAHIL SA SELOS KAY JAKE
- BULGAR
- Nov 27, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 27, 2021

May ilang nakapansin sa social media post ni Philmar Alipayo na ang mensahe lamang ay "This is my home,” at black lang ang background.
Naintriga ang ilang nakakita at nagtatanong kung may lovers' quarrel ba sila ng ka-live-in na si Andi Eigenmann.
Nasa isang private resort daw kasi sa Siargao ang mag-iina ni Philmar na sina Andi, Lilo at Koa at nag-i-staycation. Kasama nila sa resort si Ellie na panganay ni Andi at ilang family members ng Estrada-Ejercito.
Nagsiluwas daw ang mga ito kasama si Jake Ejercito para sa 10th b-day celebration ni Ellie.
Mahal na mahal ng mga Ejercito si Ellie kaya nag-effort ang mga ito na bisitahin sa Siargao ang bata para makasama nila sa kanyang kaarawan.
At kasabay nga nito, lumutang ang bali-balitang may matinding LQ daw ngayon sina Philmar at Andi at dawit si Jake Ejercito na tatay ni Ellie.
Mukhang nagselos daw si Philmar nang makitang magkasama sina Andi at Jake sa resort base sa mga ipino-post nilang videos.
At dahil daw sa sama ng loob dahil hindi pa bumabalik sa kanilang bahay si Andi at mga anak, may mga nakakitang naglalasing diumano si Philmar kasama ang mga kaibigan sa isla.
Well, ang tanong naman ng mga netizens, ngayon pa ba magseselos si Philmar kay Jake, eh, dalawa na ang anak nila ni Andi at engaged na rin sila?
May dapat bang ika-insecure si Philmar kay Jake, eh, hayan nga't ipinagpalit ni Andi ang kanyang magandang career para makasama ang ama ng kanyang mga anak sa Siargao?





Comments