Kasama ang hot mama na si Sunshine... INA, PROUD NA SA EDAD 48 AT MAY 5 ANAK, NAIDISPLEY PA ANG KATAWAN
- BULGAR
- Mar 15, 2024
- 1 min read
Updated: Mar 16, 2024
ni Beth Gelena @Bulgary | March 15, 2024

Kung sina Kathryn Bernardo at Bianca Umali ang pinagsasabong sa Bench Fashion Week SS24, ang Gen X actresses na sina Ina Raymundo at Sunshine Cruz naman ay hot mommies sa Bench SS24.
Halos umusok umano ang runway ng Bench habang rumarampa ang dalawang beteranang sexy actress suot ang kanilang summer outfit.
Ang ganda ng naging caption ni Ina sa kanyang post na picture habang suot ang alluring swimwear kung saan katakam-takam pa rin ang kanyang voluptuous form na hindi pa rin nagbabago kahit may limang anak na siya.
Ani ng aktres, “This is not something a 48-year-old, mom of 5 usually does - to walk down the runway among a slew of stars. It was empowering. Thank you for the opportunity @benchtm.”
Ibinahagi rin ni Ina ang pagrampa nila ni Sunshine sa BFW (Bench Fashion Week).
Caption ni Ina, “It was so good to share this moment with my fellow Gen X, hottie mommy @sunshinecruz718.”
Anyway, tatlo ang anak ni Sunshine sa ex-husband nitong si Cesar Montano, samantalang si Ina ay mas nakilala dati bilang Miss Sabado Nights.





Comments