top of page
Search
  • BULGAR

Kasalanan ni Yam… JM, NAAKSIDENTE SA TAPING, NOO NADALE

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 20, 2021




Ibinahagi ni JM de Guzman ang videos habang tinatahi ang kanyang sugat sa noo na tinamo mula sa aksidente habang nagte-taping ng seryeng Init sa Magdamag.


Hindi na idinetalye pa ng aktor kung paano at kailan ito nangyari, pero makikita sa video na may malalim siyang sugat sa noo. Sey niya sa caption, kinailangan itong tahiin ng 4 stitches.

“4 stitches sa gitna ng wound para hindi visible 'yung stitches so we can continue to rock and roll,” caption ni JM.


Sa first video ay makikitang nasa likod niya ang co-star na si Yam Concepcion habang ginagamot ang sugat sa noo. Tila ang aktres ang may kasalanan sa tinamong aksidente ni JM.


“Thanks Yam. I’ll remember you always. You’re always in my head,” ani JM kay Yam sabay-tawa.


Natawa rin ang aktres at sey niya, “Oh, my God.”


Sa second video, ani JM, “This is as real as it gets, thanks Yam.”

Sey naman ni Yam, “Sorry M.”


Sagot ni JM, “I’m okay.”


Nakadokumento sa mga videos kung paano tinahi ang sugat ni JM sa noo hanggang sa malagyan ng bandage. At dahil nga maliit (although malalim) lang naman ang sugat ay chill na chill lang naman ang aktor at nakakatawa pa siya habang ginagamot.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page