top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kasal, 'wag na raw patagalin, baka maudlot pa… KRIS, HULING ALAS NA SI MEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 11, 2021





Labis na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng mga fans at supporters ni Kris Aquino na finally ay nag-propose na ng kasal sa kanya ang BF niyang si Mel Senen Sarmiento.


Sa wakas ay natagpuan na ni Kris ang lalaking tunay na magmamahal at mag-aalaga sa kanya.


Ang dating DILG secretary ang “knight in shining armour” ni Krissy at nakakatiyak siya na may magtatanggol at magmamalasakit sa kanya.


Maging ang anak ni Kris na si Bimby ay botong-boto na kay Mel Sarmiento para sa kanyang Mama Kris.


Well, marami naman ang nagpapayo kay Mel na huwag na niyang patagalin pa at pakasalan na niya agad si Kristeta, kahit na simple wedding lang tulad ng ginawa nina Angel Locsin at Neil Arce.


Ang biruan nga ay baka magbago ang ihip ng hangin at umatras pa si Kris na magpakasal sa kanya.


Pero, sey ng mga netizens, huling alas na raw ni Krissy si Mel Sarmiento at mahihirapan na siyang makatagpo pa ng lalaking kasingbait ni Mel. Matatahimik na ang buhay ni Kris Aquino kapag siya ay naging Mrs. Sarmiento na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page