Kasal, tuloy pa ba?!!! BEA, 'DI NA SUOT ANG ENGAGEMENT RING NILA NI DOMINIC
ni Beth Gelena @Bulgary | February 3, 2024

Usap-usapang may LQ ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
May nakapansin kasing hindi suot ng aktres ang engagement ring nila ni Dom.
Kahit daw sa ilang photos na ipino-post ni Bea sa online ay hindi rin daw nito suot ang engagement ring.
Last July, 2023 ay officially engaged na ang celebrity couple. Nag-propose ang aktor sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan.
Sey pa nga ni Bea, “Everything went in slow motion.”
Pero kamakailan lang, napansin ng mga netizens na parang may something sa pagitan nila. Ang sabi ng ilan ay parehong absent sa social media posts ang dalawa.
Hindi rin daw sila nagla-like sa post ng bawat isa o wala man lang komento.
At sa bago nga raw new snaps ni Bea, naispatang wala siyang suot na engagement ring.
Ani ng ibang netizen, "Is it just a petty couple’s fight or LQ or the ring is somewhere for some adjustments?"
Well, sina Bea at Dominic lang naman ang makakapagbigay-linaw d'yan kaya wait na lang natin kung magre-react-space-react sila.





Comments