top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kasal, tuloy kahit pandemic… TOM KAY CARLA: I LOVE YOU BECAUSE YOU ARE THE UNIVERSE TO ME

BULGAR
Mar 24, 2021
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 24, 2021




“Mama” at “Papa” pala ang terms of endearment ng engaged couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana at ilang beses naming narinig na tinawag ni Tom ng “Mama” si Carla sa mediacon nila kahapon. Parang nasa cloud nine pa rin ang dalawa na finally, nai-share nila sa kanilang fans at nagmamahal sa kanila ang kanilang engagement.


Noon pang October 18, 2020 nag-propose si Tom, pero hindi muna nila ipinaalam dahil may pandemic at iniwasang may mag-react na nagsasaya sila samantalang marami ang nahihirapan. Also, gusto rin muna nilang namnamin ang kanilang engagement with their family and close friends.


Ano ang masasabi ni Tom na everybody is happy sa engagement nila ni Carla?


“Super heartwarming and it makes me happy knowing the fact that they are happy sa partnership namin ni Carla. Nababasa ko ang messages at comments nila at masaya kami ni Carla roon.”


Sabi ni Tom, ang balak sana nila ni Carla ay this year magpakasal, sa end of the year. Classic-style ang concept ng kanilang wedding at kung matutuloy, intimate wedding dahil nga sa pandemic at maiintindihan ito ng ‘di maiimbita.


Gusto ni Tom na magka-baby agad sila ni Carla.


“Gusto ko agad, gusto ko agad maging tatay. Dati six kids ang gusto ko, pero puwede na ang dalawa. Nasa dugo ko ang kambal,” banggit ni Tom.


Hindi lang natin naramdaman, pero sabi ni Tom, nanginig ang tuhod niya nang mag-propose siya.


“Parang gulaman sa nginig ang mga tuhod ko. Naisip ko rin na baka mabuko kami at inisip ko, paano kung mag-no siya? I was very nervous, hindi ko narinig na nag-yes siya. I was spaced out, it was very surreal.”


Ipinakumpleto namin kay Tom ang sentence na “I love you because...” at ang sagot nito, “I love you because you are the universe to me.”





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page