top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Kasal nina Bea at Vincent, tuloy?! DIMPLES AT MISTER, LUMIPAD PAALIS NG ‘PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 12, 2026



WINNER - DIMPLES AT MISTER, LUMIPAD PAALIS NG ‘PINAS-IG @dimplesromana

Photo: IG @dimplesromana



Nabuhayan ng loob ang mga umaasang matutuloy pa rin ang kasal ni Bea Alonzo kay Vincent Co dahil sa post ni Dimples Romana sa kanyang Instagram (IG) Story kahapon.


Nag-post kasi si Dimples ng larawan nila ng kanyang mister na si Boyet Ahmee na nakasakay sa eroplano. Si Dimples ay isa sa mga itinuturing ni Bea na close friends sa showbiz.


Kaya hopia ang mga faney ni Bea na sa Spain ang lipad ni Dimples kasama ang kanyang mister.


Nakaipit sa sunud-sunod na mga posts ni Dimples ang larawan nila ng kanyang mister sakay ng eroplano.


May nagsasabi na sadyang ‘inipit’ ito ni Dimples para hindi maging ‘talk of the town’. But knowing kung gaano katalas ang mga mata ng mga netizens ngayon, hindi ‘yan makakalusot sa kanila.


On the other hand, baka sadyang ipinost din ni Dimples ang pictures nila ng dyowa palipad somewhere to end all the speculations about Bea’s wedding.


Anyway, may nakasulat sa picture ng mister ni Dimples na nakaupo sa eroplano.

Say ni Dimples, “Maiwan na lahat, ‘wag lang @alcoplusalcohol, kulambo for my feet, and the hubby @papaboyetonline.”


Sa dami ng ginagawa ni Dimples, walang duda na super special ang rason na iiwan niya ang Pilipinas at mga anak nila.


Whatever it is, sana nga ay sa kasal ni Bea Alonzo kay Vincent Co sa Spain ang tungo ni Dimples Romana at ng kanyang mister.





Naaliw ang mga netizens sa ipinost ni Ivana Alawi sa kanyang Instagram (IG) na video ni Fyang Smith. Kita sa video ang pagiging playful ni Fyang sa set ng teleserye nila nina Ivana at Joshua Garcia, ang Love is Never Gone (LING).


Isa-isa kasing pinulot ng kalabtim ni JM Ibarra ang mga nahulog na mangga sa lupa. Nahulog ang mga mangga pagkatapos sungkitin sa puno ng isa sa mga crew.


Say ng faney ni Fyang, “Fyang, nanguha na naman ng mangga, ang cute (laughing emoji). Salamat, Ms. Ivana, excited na po kami.”


In fairness, marami talaga ang na-excite sa LING ng ABS-CBN at Prime Video.


Mabilis na umani ng atensiyon ang bagong romance-suspense series ng ABS-CBN matapos nitong manguna sa most-watched shows sa Prime Video Philippines nang ipalabas ito noong Mayo 8 (Biyernes).


Huwag palampasin ang maiinit na tagpo sa Love is Never Gone, na eksklusibong napapanood sa 240 bansa at teritoryo sa Prime Video. 


May dalawang bagong episodes na ipinapalabas tuwing Biyernes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page