Kasal, inaabangan na rin... ANGELICA, PROUD NA NAKA-1 TAON NA SILA NG RICH BF
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 13, 2021

Proud na ipinost ni Angelica Panganiban ang pagbati niya sa non-showbiz boyfriend/businessman na si Gregg Homan para sa kanilang first anniversary.
Caption ni Angelica sa picture nila ni Gregg habang hinahalikan siya nito sa pisngi, “I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love. I wuv yew.”
Imagine, naka-isang taon na pala ang relasyon ni Angelica kay Gregg. Parang kailan lang kasi nu’ng inilantad ng aktres ang mysterious guy na kasama niya sa isang yate sa Subic sa kasagsagan ng pandemya.
For sure, sadyang iningatan ni Angelica nu'ng first few months nila ni Gregg bago niya inilantad ang kanilang relasyon sa publiko.
And now, naka-isang taon na ang dalawa na wala tayong nabalitaan na major conflict or issue sa kanila.
Ang naging issue lang ay nu’ng magpunta sina Angelica at Gregg sa Red Cross sa Subic.
Kinilig naman ang mga celebrity friends ni Angelica sa kanyang IG story. Kabilang sa kanila ang host ng It’s Showtime na si Kim Chiu at sina Julia Montes, Glaiza de Castro, Barbie Imperial, Arci Muñoz, Bea Alonzo at Angel Locsin.
“Awww!!! Ang tamis naman po mashado!!! Happy anniv momsy and Greg!” comment ni Kim.
“I’m so happy for you mamiii,” say ni Bea.
Iba-iba rin ang reaksiyon ng mga netizens sa post ni Angelica.
“Happy anniversary to you! You deserve a gentle love.”
“Parang mas better ke Angge non-showbiz, mas tahimik, 'di siya gaanong stress.”
“Hope he's the one for u.”
“Push Mamsh. Sana, siya na ang iyong the one.”
Malay natin, baka join na rin si Angelica sa bandwagon ng female celebs na magpapakasal this year.
Tatlong celeb weddings na ang inaabangan this year. Una, ‘yung Angel at Neil Arce, pangalawa, kina Carla Abellana at Tom Rodriguez, at pangatlo, ang ex ni Angelica na si Derek Ramsay at si Ellen Adarna.
May ilang netizens namang mukhang bitter sa relasyon ni Angelica kay Gregg.
“Love life na lang kasi walang career."
“Sa'n banda? Tipong nag-settle na nga lang si Angge, eh. 'Di naman kilala 'yung jowawa niya.”
Sinagot ng netizen ang comment ng basher ni Angelica sa itaas.
“Settle? Saan banda? May maayos na trabaho ang lalaki, may hitsura at importante, mahal si Angge!
Napaka-jologs naman ng thinking mo na dapat kilala ang jowa! 'Di naman showbiz 'yan! 'Kaloka ka!”
Oo nga naman. Malay natin, sa non-showbiz na dyowa talaga ang happy ending ni Angelica.





Comments