Kasal, ‘di na tuloy… MEL, SA TEXT LANG NAKIPAG-BREAK KAY KRIS
- BULGAR
- Jan 5, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 05, 2022

Sa mga nagpahayag ng simpatya at nagpaabot ng dasal kay Kris Aquino sa post niya sa Instagram tungkol sa pagkumpirma niya sa paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento, namumukod-tangi ang message ni KC Montero.
Sabi nito, “Praying for you, Kris. If I could help, I would. I know we’re not close but that shouldn’t matter. If you need me for anything, let me know.”
Marami ang pumuri kay KC, may napaluha pa nga dahil hindi nga sila close ni Kris, pero heto and he’s offering help at sabihan lang daw siya.
Comment ng mga netizens, sweet and good person si KC, malaki ang puso at nicest raw ang message niya kay Kris.
May message rin si Sen. Kiko Pangilinan kay Kris at sabi, “Praying for the miracle of physical and emotional healing.”
Nag-post din si Congw. Vilma Santos-Recto ng “You take care, Kristeta. God bless! We love you!”
As of yesterday, may 8,806 comments na ang post ni Kris at may mga taga-showbiz na hindi niya kilala, pero nagpaabot ng prayers at encouragement for strength sa pinagdaraanan niya ngayon.
Wish nila na sa pagbabalik ni Kris from abroad ay mataba at gumaling na siya.
Sabi kasi ni Kris, she’s flying abroad for further diagnostic tests.
May mga nagbiro rin na hindi na nila bati si Mel dahil sa ginawa kay Kris at hindi nila mawari ang rason nito sa pakikipaghiwalay kay Kris lalo na’t thru text lang. Idinamay pa raw nito ang Uniqlo, ang pagpunta sa mall at ang barber na gumupit sa kanya.





Comments