top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Kasal, balitang tuloy na…VINCENT, IPINAGLABAN DAW SI BEA SA MGA MAGULANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 12, 2026



BULGARY - VINCENT, IPINAGLABAN DAW SI BEA SA MGA MAGULANG-FB Circulated

Photo: Circulated / IG



Todo-post ng pictures ng kanyang flight si Dimples Romana kasama ang kanyang asawa na si Boyet.


Walang nakalagay kung saan ang destinasyon ng mag-asawa.

Ina-assume ng mga netizens na papunta sila sa Spain kung saan umano matutuloy ang grand wedding ng best friend ni Dimples na si Bea Alonzo kay Vincent Co ng Puregold.


May iba rin daw na malalapit na kaibigan ang Kapuso actress na papunta na rin umano roon. May ulat pa ngang nauna nang naroroon ang pamilya ni Bea upang paghandaan ang wedding na magaganap na soon.


Pero hanggang ngayon ay wala pa ring official confirmation mula mismo sa dalawa o sa kanilang kampo.


Kamakailan ay napabalitang hindi na matutuloy ang kasal dahil sa prenup agreement na hindi pinirmahan ni Bea.


Ang latest, ipinaglaban daw ni Vincent ang relasyon nila sa kanyang mga magulang at nagpahayag pa umano ito kung gaano niya kamahal si Bea.

Dahil dito, napagtanto raw ng kanyang pamilya na si Bea talaga ang para sa kanilang anak.


Well, kung totoo nga ang ulat na ito, kapit lang! Sana nga ay matuloy na ang pinakahihintay na kasalan ng taon.





Sama-sama nu'ng Mother's Day…

SHARON, KIKO AT KC, BATI-BATI NA



TUWANG-TUWA si Megastar Sharon Cuneta dahil kasama niyang nag-celebrate noong Mother’s Day ang panganay na anak na si KC Concepcion.


Hindi lang si Megastar ang masaya kundi maging ang mga fans ng beteranang singer ay natuwa sa reunion ng mag-ina.


Nagbahagi si Shawie ng mga larawan at video nila ni KC, at pati nina Kiko Pangilinan at Miguel, habang ipinagdiriwang nila ang Mother’s Day bilang pamilya.


Sa caption, sinabi pa ni Mega, “What a BEAUTIFUL Mother’s Day God gave me this year…” at nagpahiwatig siya ng pag-asa na magiging complete pa ang kanilang pamilya sa mga susunod na panahon.


Matatandaang naging usap-usapan noon ang umano’y tampuhan o pagiging ‘estranged’ nina Sharon at KC, maging nina KC at Sen. Kiko, kaya maraming netizens ang naging emosyonal at masaya nang makitang muli silang magkakasama ngayong Mother’s Day.

Komento ng mga netizens:


“Mamaaaa @realysharoncuneta, my heart is so happy for you and I know this precious blessing is an answered prayer. Soon, magiging kumpleto na at buong-buo na. Exactly as you’ve been praying for.”


“Our hearts are so full seeing your family complete and knowing how genuinely happy you are today makes us even happier too. Indeed, it’s a truly happy Mother’s Day for our dearest mama. You deserve all the love and happiness in the world today and always.”

“Truly, those smiles of yours are priceless! More moments like this.”

“My fave duo is back! Prayer granted.”





NAKUHANAN ng reaction ang magkaibigang singer at regular sa ASAP na sina Erik Santos at Angeline Quinto.


Ayon sa dalawang singers, masaya at excited sila sa paglipat ng dating noontime show na ASAP sa bagong pre-primetime slot na 5:30 PM tuwing Linggo, kung saan rebranded na ito bilang ASAP XP simula sa May 17, 2026.


Ayon kay Angge, wala raw masyadong tanong o pag-aalinlangan mula sa mga kapwa-singers nang malaman nila na may pagbabago sa longest-running variety show.

Ang naging reaksiyon daw ng karamihan ay excitement dahil ‘primetime’ na ang oras ng nasabing programa.


Aniya pa, normal na sa trabaho nila ang pagbabago at masaya silang lahat sa bagong setup.


Sey naman ni Erik, malaking adjustment daw ito dahil 31 years nang noontime ang ASAP. Pero para sa kanya, parang bagong tahanan at bagong simula ito para sa programa. 


Mas na-excite raw sila sa mga production number at sa mga bagong ideyang magagawa nila ngayong primetime na ang show.


Wika pa ng dalawang mahuhusay na singers, kahit may mga hamong kinakaharap ngayon ang ABS-CBN, nananatili silang supportive sa network at nagpapasalamat sa management dahil hindi sila pinababayaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page