top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kasabay ng paglilipat ng bahay… KC, NAMIGAY NG TIGPA-P5 K SA MGA FANS

  • BULGAR
  • May 13, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 13, 2021




Lumipat na ng house si KC Concepcion. After 18 years niyang naninirahan sa isang magarang condominium, nahikayat siyang lumipat sa isang residential house.


Nagpa-house warming ang TV host-actress-entrepreneur thru her Instagram Live. Nagpa-"Bring Me" game si KC sa kanyang mga socmed followers kung saan five rounds ang ginawa niya na ang bawat winner ay nakatanggap ng P5K each.


Enjoy na enjoy si KC sa kanyang house warming. Nagbigay pa ng clue ang Mega Daughter kung ano ang kanyang ipapa-Bring Me.


Ang daming mga followers ni KC na tuwang-tuwa dahil nakausap nila ang kanilang idolo nang live. Mula sa iba’t ibang bansa ang nakakausap ni KC.


Humingi rin ng advice si KC sa kanyang mga followers kung ano raw ang dapat niyang gawin sa paglipat niya sa kanyang new house.


Nagpa-Bring Me si KC ng bigas, rice cooker, asin at asukal.


Kaya lang, hindi ba aware si KC sa kanyang suot? Habang nakikipag-usap kasi siya sa mga followers niya, halos lumuwa na ang kanyang boobs sa suot na red top na string-strapped.


Wala pang ayos ang house ni KC pero pramis niya na magpapa-house tour sa kanyang YouTube channel once na naayos na ang bago niyang bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page