top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kasabay ng gender reveal ng baby… KASAL NINA JENNYLYN AT DENNIS, MID-NOVEMBER NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 6, 2021





Magtatapos sa November 12 ang Legal Wives at siguro, palilipasin muna nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang pagtatapos ng drama series ng aktor bago ang kanilang civil wedding.


Mid-November ang nabanggit ni Jennylyn na kasal nila ni Dennis na gaganapin nga sa isang events place kung saan pamilya lang nila ni Dennis at ilang close friends ang invited.


Maiintindihan ito ng mga kaibigan nina Dennis at Jennylyn kung hindi man sila invited dahil na rin sa pandemic pa rin kahit mas maluwag na ngayon at dahil na rin sa kondisyon ni Jennylyn na medyo maselan ang pagbubuntis.


Dalawang espesyal na okasyon ang dadaluhan ng mga imbitado sa kasal nina Dennis at Jennylyn dahil sa kasal na rin nila ang gender reveal ng kanilang magiging baby. Sana nga, babae ang isilang ni Jennylyn dahil may two boys na raw sila at dasal nito, babae naman ang ibigay sa kanya.


Speaking of Dennis, sa guesting nito sa The Howie Severino Podcast ni Howie Severino, ang ganda ng sagot nito sa tanong kung ano ang sikreto niya sa longevity niya sa showbiz?


“Siguro, isang matinding lesson na natutunan ko ay ‘wag ka lang magiging pabigat kahit kanino, ‘wag kang magiging problema sa trabaho, problema sa set, maging maayos ka sa mga katrabaho mo at ‘wag mawawala ‘yung respeto. Sa tingin ko, mayroon kang mararating ‘pag na-maintain mo na ganu’n 'yung mga attitude na ‘yun sa trabaho.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page