top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kasabay ng 27th b-day ng aktres, confirmed… KATHRYN AT DANIEL, 'HIWALAY' NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2023
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 29, 2023





Kasabay ng pagdiriwang ng ika-27th birthday ni Kathryn Bernardo last March 26, may pasabog ang aktres sa kanyang mga fans.


Inanunsiyo niya last Monday ang bagong dalawang pelikula na kanyang gagawin sa New Movie Alert event ng Star Cinema.


Ini-release ang video nito sa YouTube Channel ng ABS-CBN Star Cinema.


Bibida si Kathryn sa pelikulang A Very Good Girl kung saan ay makakasama niya ang award-winning actress na si Dolly de Leon. Ito ay mula sa direksiyon ni Petersen Vargas na first time rin niyang makakatrabaho.


Ang isa pang movie na gagawin niya ay isang historical film na may pamagat na Elena 1944 under Black Sheep kung saan ang batikang director naman na si Olivia Lamasan ang makakasama ni Kathryn.


Mauuna munang gawin ang A Very Good Girl na isang dark-comedy at ayon kay Kathryn ay magsisimula na raw silang mag-shoot soon at ipapalabas din ito ngayong taon.


Dagdag pa ni Kathryn, "I personally asked for this na, after 2 Good 2 Be True. I want something na genre na hindi ko pa nagagawa before. Dark-comedy, I love watching dark comedy series or movies, but then, 'yung gagawin ko 'yun, for sure, it will be challenging but I am accepting the challenge and let's do this, Petersen.”


Sa Elena 1944 naman ay gaganap si Kathryn bilang isang comfort woman during Japanese occupation at ayon sa aktres, taong 2019 pa raw ito na-pitch sa kanya pero hindi pa siya ready nu'ng time na 'yun.


Ngayong 27 na siya ay may go signal na raw siya ng ina at ng boyfriend na si Daniel Padilla para gawin ang nasabing movie.


"I turned 27. Mas ready na si Deej (Daniel) at si Mama kaysa sa 'kin. I think 'yung fans (ang hindi pa ready)," sey ni Kathryn.


Ayon kay Direk Olive, malaking transition daw talaga ang film na ito for Kathryn dahil magiging daring for the very first time ang aktres.


When asked kung paano na si Daniel since hindi name-mention na kasama ang aktor sa mga nabanggit na proyekto para sa kanya, ayon kay Kath, magkakaroon daw ng ibang announcement for DJ.


"I’ll be doing a movie with DJ right after A Very Good Girl. So, I think ‘yung mga fans naman, sa kanila na rin kasi nanggaling, which is ‘yun ‘yung natutuwa at na-proud ako sa fans namin na KathNiel, they allow us to grow individually and they let us do what makes me happy, what makes DJ happy," ani Kath.


Dagdag pa niya, "DJ and KathNiel will always be there. ‘Yun naman ‘yung parati kong sinasabi and ang importante, kami ni DJ, off-cam, kami, nagsusuportahan sa isa’t isa.


"And sa mga gagawin naman ni DJ in the future, 100% susuportahan ko siya kasi alam ko na masaya rin naman siya sa gagawin niya."


Pahabol pa ni Kathryn, "Mayroon kaming gagawin (ni DJ) individually, but meron pa rin na (KathNiel movie) under Direk Cathy (Garcia-Molina). So, binigyan lang siguro namin ng time because we both needed to do this and approved ‘to naming dalawa and excited din ako on what’s in store for DJ.”


So, confirmed na tatlong movies ang gagawin ni Kathryn this year, at ang dalawa na nga rito ay ang A Very Good Girl at Elena 1944.


Sa dalawang pelikulang nakalatag na gagawin ni Kathryn ngayong taon ay hindi niya makakapareha ang boyfriend na si Daniel at hiwalay na muna sila ng project.


Matatandaang last December, 2022 pa nai-announce na may gagawing movie ang KathNiel under Direk Cathy.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page