top of page
Search
  • BULGAR

KARYLLE AT YAEL, NAG-SECOND HONEYMOON

ni Julie Bonifacio @Winner | April 1, 2024




Usap-usapan ang It’s Showtime host na si Karylle sa social media habang nag-o-observe ang madlang pipol ng Holy Week. 


Ayaw tumigil ang tsikahan ng mga netizens sa mga kumalat na promo materials ng guesting ng mga hosts ng bagong lipat na It’s Showtime sa GMA-7 sa game show hosted by Dingdong Dantes, ang Family Feud.


Napansin agad ng mga netizens na 'di kasama si Karylle among It’s Showtime hosts na maglalaro sa taped episode ng Family Feud kaya ang dami agad nilang speculations at sinasabi sa ‘di pag-apir ni Karylle sa game show ng ex-boyfriend niyang si Dingdong.


Kesyo masama pa rin daw ang loob ni Karylle kay Dingdong after ten years ng marriage niya sa kanyang husband na si Yael Yuzon at despite na kamakailan lang ay nagkaroon pa sila ng renewal of vows.


May lumabas ding fake news na nagbigay ng statement si Karylle kung bakit hindi siya kasali na naglaro sa Family Feud kasama ang iba pang It’s Showtime hosts. Umiwas na lang daw siya na maging “awkward” ang sitwasyon para sa lahat kapag kasama siyang naglaro sa programa ni Dingdong. 


Tiyak na magkakaroon ng tuksuhan at baka ma-focus na lang sa kanya ang game. Kaya, minabuti na lang daw ni Karylle na hindi na sumali sa guesting ng IS hosts sa FF. And besides, nakapag-usap na raw sila ni Dingdong at okay na sila.


O, ‘di ba, ang gagaling ng mga netizens magbuo ng kuwento?!


Pero kung pagbabasehan ang mga posts ni Karylle sa Instagram, after ng renewal of vows nila ni Yael ay nag-Asian tour ang mag-asawa.


Unang Asian country na pinuntahan nila ay sa Thailand, then, sa Vietnam, at ang pangatlo ay sa Singapore.


Ang naka-schedule na “second honeymoon” nila ni Yael ang dahilan kaya hindi nakasama si Karylle sa line-up ng It’s Showtime hosts na maglalaro sa Family Feud.


Anyway, excited na ang madlang Kapuso na mapanood ang It’s Showtime sa darating na Sabado, April 6. Bukod sa GMA-7, mapapanood din ang It’s Showtime sa A2Z, GTV11, TFC, iWantTV, iWantTFC, at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page